^

Pang Movies

Male celeb na nagladlad, may GF na model!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mapanlinlang ang male celebrity na ito na matagal nang nababalitang may berdeng dugo.

Ilang beses na siya parating nakikita sa isang bar kung saan tumatambay ang mga pamintang buo at pamintang durog at ibang mga lalaki na confused pa hanggang ngayon sa kanilang sekswalidad.

Nakikita siya roon na nakiki-party sa mga lalaki na ang type ay kapwa nila paminta. Kapag pinapatugtog nga raw ang mga dance songs nila Cher, Jennifer Lopez, at Beyonce Knowles ay todo sayaw ito with matching lip sync pa!

Kaya nabuo na ang hinala ng maraming nakakakilala sa male celebrity na isa itong miyembro ng ikatlong lahi. Sayang, at guwapo pa naman ito pero iyon ang gusto niya, wala namang makapipigil sa kanya.

Kaso nga lang ay may double identity pala ang male celebrity na ito. Kung may isang identity siya na isa siyang bading, may identity din siya na lalaking-lalaki naman siya!

Sa isang opening nga ng isang restaurant, nakita si male celebrity na may ka-date na isang maganda at sexy na modelo. Holding hands pa nga raw ang dalawa at buong gabi na hindi naghiwalay.

Sey ng aming source na may panakaw-nakaw na halik pa ito sa kanyang date na kinikilig naman. In-assume ng aming source na baka walang alam ang kanyang date na may ibang katauhan ang male celebrity.

Awa ang naramdaman ng source namin sa babaeng ka-date ni male celebrity dahil pinasasakay lang siya nito sa kanyang drama sa buhay.

 â€œKawawa naman siya, hindi niya alam na props lang siya ng bakla para magmukha siyang lalaki.

 â€œKapag nalaman ng babae kung ano talaga siya, for sure na malolokah ‘yan. Isipin lang niya kung saan nanggaling ang bibig ng baklang ‘yan, baka bigla siyang magmumog ng asin para mawala ang nailipat sa kanyang lansa!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Coney hinanda na ang sarili na tumandang mag-isa

Certified senior citizen na nga si Ms. Coney Reyes when she turned 60 years old last May 27.

Simple lang daw ang naging birthday wish ni Coney at ito ay ang bumuti pa ang kanyang kalusugan.

 â€œGood health na lang ang tanging wish ko. I want to see my grandkids na lumaki na kasama ko. Dalawa na kasi ang apo ko from my son L.A. I want more grandkids pa. Si Carla kasi, enjoy sa trabaho niya. Wala pa yatang planong bigyan ako ng apo,” ngiti pa ni Coney.

Ang anak niya kay Vic Sotto na si Vico ang siyang naiwan na lang kasama niya sa bahay.

 â€œVico is working for the Quezon City government. But he’s taking up law at UP. May two years pa siya before he graduates.

 â€œAng bilis ng panahon, ‘di ba? Dati mga bata lang ang mga anak ko, ngayon may kanya-kanya na silang buhay.

 â€œReady naman ako kung sakaling maging mag-isa na lang ulit ako sa buhay. I have the Lord to be my companion.”

Pumirma ng exclusive contract si Coney Reyes sa GMA 7 at ang teleserye na Ang Dalawang Mrs. Real ang una niyang project sa pagbabalik niya sa Kapuso network.

Jonah Hill pinagsisihan ang sinabi sa paparazzo

Umani ng batikos ang Hollywood actor na si Jonah Hill pagkatapos niyang magbitiw ng homophobic slur sa isang paparazzo.       

Tinawag nga niyang “faggot” ang naturang paparazzo.

Pero mabilis na pinagsisihan ng star ng pelikulang 22 Jumpstreet ang kanyang sinabi at noong mag-guest ito sa radio program ni Howard Stern ay nag-apologize ito sa publiko.

“What I said in that moment was disgusting... I shouldn’t have said that,” diin pa niya.

Inamin ni Jonah na naging active supporter siya ng gay rights. Hindi lang daw niya napigilan ang kanyang sarili sa bumubuntot sa kanyang paparazzo dahil hindi na raw maganda ang mga sinasabi nito tungkol sa kanyang pamilya.

Isang rep ng Human Rights Campaign ang nakapagpatunay na hindi homophobic si Jonah Hill. Pero mali pa rin daw ang binitawan nitong salita lalo na’t nakakainsulto ito sa LGBT community. Kaya mabuti raw na agad itong nag-apologize.

 

vuukle comment

BEYONCE KNOWLES

CONEY REYES

JONAH HILL

KANYANG

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with