^

Pang Movies

Bea excited na sa kakaibang role

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon ang ‘Movie Queen’ ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo at ang isa sa pinaka-in demand na leading men sa bansa na si Paulo Avelino sa upcoming ABS-CBN primetime drama series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Ayon kay Bea, bukod sa team-up nila ni Paulo, excited siyang gampanan ang dalawang bidang karakter na tampok sa teleseryeng magsisimula nang umere ngayong Hunyo.

“It’s my first time to do something like this that is why I’m so excited. This is the most challenging role that I’ve ever done in my career so far,” sabi ni Bea na bibigyang buhay ang karakter ng abogadong si Emmanuelle at tagapagmana ng chocolate factory na nagngangalang Rose.

“First time kong gumawa ng ganitong role. Sa ngayon, masasabi ko na ito siguro ‘yung pinaka-challenging na project sa career ko,” pahayag ni Bea na magbibigay-buhay sa katauhan ng mahusay na abogadang si Emmanuelle, at sa tagapagmana ng isang chocolate company na si Rose.

Samantala, ipinagpapasalamat naman ni Paulo ang pagkakataon na makapareha si Bea at makasama sa serye ang award-winning actors na tulad nina Albert Martinez, Eddie Garcia, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Anita Linda, Maricar Reyes, at Susan Roces.

“Bukod sa pressure, mas nangingibabaw sa akin ‘yung karangalan na makatrabaho ko sila dahil ang dami-dami ko pong natututunan sa kanila,” ani Paulo na gaganap naman sa serye bilang si Patrick, ang lalaking magpapaibig sa isa sa mga karakter ni Bea na si Rose.

Sa ilalim ng direksyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay iikot sa kwento nina Rose at Emmanuelle, ang mga babaeng pagtatagpuin ng tadhana at pag-iisahin ng kanilang hangarin na hanapin ang katotohanan at katarungan.

Kukumpleto sa powerhouse cast ng pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN sina Nikki Valdez, Bembol Rocco, Francis Magundayao, Michelle Vito, at Miguel Vergara.

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng phenomenal drama series na Walang Hanggan, hit family teleserye na Ina, Kapatid, Anak, at ng kasalukuyang top-rating Primetime Bida series na Ikaw Lamang.

Huwag palampasin ang simula ng kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong Hunyo na sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ANG SANA BUKAS PA ANG KAHAPON

ANITA LINDA

BEA

BEA ALONZO

EMMANUELLE

PAULO

PRIMETIME BIDA

SANA BUKAS PA ANG KAHAPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with