^

Pang Movies

Erwan ayaw magsayang ng oras sa showbiz

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa panayam ng ABS-CBN kay Erwan Heussaff, itinanggi niya ang tsismis na split na sila ni Anne Curtis. Ayon sa kapatid niSolenn, hindi raw niya alam kung saan galing ang rumor.

Say pa niya, hindi raw worth ng time niya na patulan ang mga taong nagkalat ng maling tsika.

Say pa ni Erwan, wala raw siyang pakialam sa showbiz kaya sana raw ay tigilan na ng mga tao ang pagbabalita tungkol sa personal niyang buhay.

Ang gusto lang daw niya ay mag-focus sa kanyang ginagawa ngayon tulad ng pa­ma­mahala ng restaurant business niya at iba pang bagay na may kinalaman sa pagkain.

Elmo inaming hindi seryoso ang relasyon sa young actress

 Two weeks na lang at magtatapos na ang panghapong serye ng GMA 7 na Villa Quintana at masayang malungkot ang mga bida na sina Elmo Magalona and Jannine Gutierrez dahil naging very memorable raw para sa kanila ang soap lalo na nga’t ito ang first team-up nila.

Ayon kay Elmo, napakarami raw niyang natutunan sa seryeng ito at dahil sa proyektong ito ay nag-mature raw siya talaga.

“Mas naging expressive ako ngayon, and mas nag-seryoso ang tingin ko sa acting. Malaki talaga ang naitulong sa akin ng soap na ito,” sabi ni Elmo.

Eight months din daw tumakbo ang serye at say ni Elmo, ngayong patapos na ito ay parang hindi raw siya makapaniwala.

“Parang hindi ako makapaniwala na eto na, pa­palapit na ang ending. Siyempre, may lungkot kasi, actually, baka nga ngayon lang kami maging ma­lungkot sa set kasi in the past, wala talagang sad memories na nangyari sa taping aside from the late Tito Roy (Alvarez).

“Aside from that, wala na talaga akong ma­tan­daang malungkot na nangyari. Baka ngayon pa lang, ngayong maghihiwa-hiwalay na,” sabi pa ng young actor.

 Dito rin sa seryeng ito ay naging close raw sila ni Jannine and later ay nagkaroon nga ng magandang pagtitinginan.

Ayon kay Elmo ay hindi naman daw masasabing sila na talaga ni Jannine na ‘yung tipong mayroong serious commitment. Basta raw mayroon silang understanding. Kung MU raw ang tawag, be it. Basta hindi pa naman daw sila seryoso at nage-enjoy lang since mga bata pa sila.

Hindi pa raw niya alam ang next serye niya at habang wala pa ay sasamantalahin daw niyang magpahinga since nakakapagod din naman daw ‘yung eight months of continuous taping.

Number one ang bf, pero number two para kay Janine si Alden

Natanong naman si Janine kung sino ang pinakamami-miss niya ngayong two days taping na lang ang Villa Quintana, at say niya ay lahat daw.

Pinakamadalas daw niyang kaeksena bukod kay Elmo ay si Paolo Contis atMaricar de Mesa.

“Si Ate Maricar, kung ano ‘yung karak­ter niya, sobrang kabaligtaran siya sa totoong buhay, as in sobrang maalaga siya, lagi niya akong pinapakain. Kasi kahit hindi naman kami magkaeksena, magkakasama kaming lahat sa tent. Kaya palagi talaga kaming nagkakakuwentuhan, sabay-sabay kaming kumakain kasama si Direk Gina (Alajar). Kaya si Direk Gina, sobrang mami-miss ko rin,” say ni Janine.

Marami raw siyang natutunan kay Direk Gina and sobrang thankful daw siya na ito ang kasama niya sa unang soap niya.

“Sobrang patient niya sa amin ni Elmo, and she’s an actor’s director and talagang tiniyagaan niya kami. Hindi siya papayag na mapahiya ka sa eksena,” she said.

Sa seryeng ito, na-discover daw niya kung gaano ka-passionate ang leading man sa trabaho.

“Siguro big deal talaga ang Villa Quintana para sa kanya. Alam ko na pinahalagahan niya talaga ‘yung show, lahat ng eksena talagang pinaghirapan niya. Siguro ‘yun ‘yung isang bagay na hindi ko in-expect, na ganu’n pala siya ka-dedicated sa karakter niya saka sa buong show.”

Hindi pa raw sinasabi sa kanya ng GMA 7 ang next project niya pero aniya, gusto niya sanang makasama ang kanyang inang si Lotlot de Leon dahil hindi pa raw sila nagkakatrabaho.

Sa leading man naman, kung sakaling hindi raw si Elmo ang makakasama niya, gusto raw niya sana si Alden Richards. Pero ang number 1 para sa kanya, siyempre ay ang ka-love team niya ngayon.

 

vuukle comment

AYON

DAW

DIREK GINA

ELMO

NIYA

RAW

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with