^

Pang Movies

Ibinuko ni Maegan, Freddie dinidiktahan ng batang asawa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumabog ang galit ni Maegan Aguilar sa amang si Freddie Aguilar sa rebelasyon niya sa co­lumn ni Dolly Anne Carvajal sa isang broadsheet! Nabasa namin ang tell-all interview ni Maegan upang isapubliko ang galit sa ama.

Inilabas din sa website ng ABS-CBN ang interview ni Dolly kay Meagan na nag-ugat dahil sa pagka­ka­bulok ng gulay sa ref. Hindi raw na­gustuhan ni Freddie ang nangyari kaya naman umabot siya sa puntong pinalayas ang anak at apo niya sa bahay nila, huh!

Isiniwalat din ni Maegan ang pagi­ging hadlang ng ama sa career nila. Sa halip na magkaroon ng confidence sa sarili, nawala raw ‘yon sa kanya dahil walang suporta si Ka Freddie.

Ang isa pang nakalulungkot na saad ni Maegan ay ang katiting na suweldo niya sa bar ng ama sa Tomas Morato. Inihalintulad niya ito sa suporta sa bagong asawa ng ama na linggu-linggo ay halos 10K ang ibininigay, huh!

Feeling ni Maegan, nabi-brainwash ang father niya ng batang asawa na pinakasalan. Kung sa unang interview niya ay pawang suporta ang pahayag niya, taliwas palang lahat ‘yon kaya sising-sisi si Maegan sa pagtatakip niya sa pagkukulang ng ama.

Sa ngayon, nakatira raw si Maegan at anak sa kasama sa banda.

Humanda naman si Maegan sa buwelta ni Ka Freddie na sumasagot din sa mga issues sa kanya, huh!

Sa sobrang tuwa sa bata, Gov. Vi gustong iuwi si Ryzza Mae

Madaling-araw pa lang pala ay bumiyahe na si Ryzza Mae Dizon kasama ang staff and crew ng The Ryzza Mae Show para umabot sa flag raising ceremony ng Batangas province officials and employees led by Governor Vilma Santos-Recto.

Ayon sa road manager niyang si Jack Salvador, very-Ate Vi raw ang outfit ni Ryzza. For sure, hindi mawawala ‘yung panyo sa kamay ni Gov. Vi na trademark na nito nu’n pa mang aktibo siya sa showbiz, huh!

Matapos nga raw ang flag raising ceremony, inilibot ni Gov. Vi si Ryzza sa Batangas Capitol at saka tumuloy sa Governor’s Mansion.

Tuwang-tuwa raw ang gobernadora sa kabibuhan ni Ryzza. Feel na feel niyang iuwi ang Aling Maliit lalo na’t wala siyang anak na babae, huh!

Abangan ang one-on-one chikahan nina Gov. Vi at Ryzza sa The Ryzza Mae Show!

Startalk at The Buzz, patalbugan

Effort talaga ang labanan ng Sunday showbiz talk shows nitong Sunday, huh! Nahilo tuloy kami sa paglilipat ng channels dahil sa mga issues na kanilang tinalakay!

Eh, waley na ang Buzz ng Bayan pero ibinalik ang The Buzz at muling nagsama sina Boy Abunda at Kris Aquino plus ang daldakina ring si Toni Gonzaga, huh!

Ipinambala ng Starktalk si Willie Revillame sa katapat na programa. Ang pinaka-hightlight nito ay ang exclusive interview kay Raymart Santiago. Wala na ngang pag-asa magkabalikan pa sila ni Claudine Barretto, huh!

Wala namang binanggit na pangalan ng boyfriend na hiniwalayan si Vice Ganda. Although si Kris, nagsabi na kaya niyang banggitin ang ex-dyo­wa ng komedyante, huh!

Naging highlight ng interview ang pagsasayaw ni Kris ng dance craze na pinauuso ni Vice sa kanta niyang Boom Panes, huh!

Of course, mula nang napunta sa Sunday slot ang Startalk, nahirapan itong umangat sa ratings dahil sa unang sabak sa bagong slot, ang Vhong Navarro controversy ang malaking istoryang bumanat sa programa, huh!

At least, masaya na naman ang Sunday afternoons natin dahil sa mga pasabog ng magkatapat na talk shows, huh!

vuukle comment

ALING MALIIT

ATE VI

BATANGAS CAPITOL

HUH

KA FREDDIE

MAEGAN

NIYA

RYZZA

RYZZA MAE SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with