^

Pang Movies

Bilihan ng awards talamak na rin Direk Mike ni-reject ang Lifetime Achievement award ng Urian

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Officially, tinanggihan ng direktor na si Mike de Leon ang ibibigay sana sa kanyang lifetime achievement award ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Para naman sa mga magbibigay sana nang tinanggihan niyang award, ok lang iyon at inirerespeto nila ang kanyang desisyon na huwag tumanggap ng ganoong parangal. Hindi lang basta award iyon kung ‘di isang lifetime achievement award, ibig sabihin kinikilala na habang buhay ang kanyang mga nagawa.

Iyang Urian ay nakapagbigay na rin naman sa kanya ng award, at ang ilang mga lehitimong miyembro nito ay nakipaglaban pa noong araw para sa kanyang mga ginawang pelikula na hinigpitan din dahil sa inaakalang masyadong rebolusyonaryong ideya, kagaya nga noong Sister Stella L.

Siguro nga masasabing ang isa sa mga dahilan kung bakit  tinanggihan niya ang parangal na iyon ay dahil naniniwala siyang may magagawa pa siyang iba, na maaaring higit kaysa sa mga nagawa na niya. Bagama’t matagal nang hindi gumagawa ng pelikula, hindi mo naman masasabing talagang retired na ang batikang direktor. Alam naman ninyo ang mga direktor na ganyan, kung may darating o maiisip silang magandang proyekto, tiyak na gagawa pa rin iyan.

Ang masakit lang, kung ang dahilan kaya niya tinanggihan ang award ay dahil hindi na rin siya naniniwala sa mga awards.

Sa totoo lang, marami na rin sa show business ang hindi naniniwala sa mga award award na ‘yan. Hindi man siguro ang Urian, pero talamak na talaga ang hayagang bentahan ng awards. Kung noon ang tawag ay “lagayan” lang at patago pa ito, aba nga­yon eh hayagan na ang bentahan nito. Para bang talagang kalakaran at legal na at kailangang magbigay ang mga gustong manalo, at may nakatakda nang presyo ha. Minsan nangyayari pa ngang naglalagay na, nado-double cross pa.

Kaya nga ang mga awards night ngayon hindi na rin halos napapansin. Mababalita pero hanggang doon na lang.

‘Rebultong’ itinayo, hindi pala para kay Nora!

Noong makita namin iyong sinasabing ‘rebulto,’ at hindi monumento kagaya nang itinayo para kina FPJ at Dolphy sa Roxas Boulevard ha, ng cha­racter na ginampanan ni Nora Aunor doon sa pelikulang Himala, ma­liwa­nag ang lahat sa amin. Ginawa ang rebulto para maging attraction at masabing doon ginawa ang pelikula na naging isa nang klasiko ng henyong si Ishmael Bernal. Pagpapaalala iyon sa character at sa pelikula, hindi kay Nora Aunor.

Kaya nga sinasabi, baka magtayo rin daw ng re­bulto ng Panday na ginawa rin sa sand dunes na iyon. Ibig sabihin inaalala nila ang mga pelikulang gi­nawa roon. Nagkataon lang na sikat ang mga ar­tistang gumanap sa mga role na iyon.

Ang talagang parangal sa mga personalidad ay kagaya sa monumento ni FPJ at ni Mang Dolphy, na ang kinilala ay hindi ang isa lamang pelikula kundi kung ano ang nagawa nila para sa industriya at sa buhay ng mga Pilipino.

Malanding aktres bigo sa poging model

Bigo ang malanding female star sa bago niyang love quest. Nagsisimula pa lang siya ay tinanggihan na siya ng poging male model. Natakot daw si lalaki na masira rin siya sa mga controversies na maaaring mangyari kung papatulan niya ang female star na siya pang nanliligaw sa kanya. Sino na naman kaya ang susunod na biktima kung ganoon ng aktres na ito?

 

vuukle comment

AWARD

ISHMAEL BERNAL

IYANG URIAN

KUNG

LANG

NORA AUNOR

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with