^

Pang Movies

Xian kay Jessy naman susubukan, Kim sa iba muna!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Asahan ang muling pagtatambal nina Xian Lim at Kim Chiu sa dalawang pelikula ngayong taong ito. Matatandaang naging super-successful ang Bride for Rent movie na pinagtambalan nila, kaya naman may kasunod na agad ito.

 â€œKasama ko si Kim sa isa. Sa susunod na movie kasama ko rin po si Kim and si Ms. AiAi delas Alas,” pahayag ng Kapamilya actor.

Labis na ikinatutuwa ni Xian ang pagsuporta ng mga fans sa kanila ng kanyang pareha on and off screen na si Kim.

“I’m very happy. I’m pretty sure si Kim sobrang saya kasi sobrang unexpected. Sa Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo?, sobrang kabado namin kasi first time namin mag-big screen. Tapos nung Bride for Rent, medyo nagkakapaan pa rin kami so everything was very unexpected. Sana suportahan din nila,” sey pa ni Xian.

Samantala, sa pagtatambal nila ni Kim sa big screen, nakatakda naman na makapareha ni Xian sa telebisyon ang isa pang maganda at magaling na aktres ng Kapamilya network.

 â€œLast week of May ‘yung start ng taping namin under Star Creatives. Hindi po kasama si Kim. Ang alam ko lang po kasama ko si Ian Veneracion, Ms. Carmina Villarroel and Jessy Mendiola,” he said.

 

John Lloyd itutuloy ang transformation hanggang magka-’pandesal’

Super happy and proud girlfriend si Angelica Panganiban sa kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz na nagbawas ng mahigit na 18 pounds sa loob ng anim na linggo. Biggest loser nga ang kanyang sweetheart na mas lalong gumuwapo sa ganda ng katawan nito ngayon. Sa post ni Angel sa kanyang Instagram account ay super proud ito sa bagong achievement ng kanyang bf.

 â€œI’m the proudest my love, good job. Welcome to the new you. Nakita ko since day one ang struggle mo. But eventually, naging lifestyle mo na siya. Minahal kita noon, at mahal pa rin kita sa bagong ikaw.”

Naging madali raw ang naging disiplina ni John Lloyd sa pagdidiyeta dahil sa kanya at masuwerte raw ang binata dahil hindi nga sila mahilig kumain sa labas.

Natanong din sa actor kung bakit hindi nakita sa event proper ng Superbods sa Boracay ang girlfriend na si Angelica para suportahan siya.

“Hindi ko na siya pinapunta kanina kasi matatawa ako lalo. Hindi ko yata kaya ‘yun.”

At dahil unti-unting na ngang naa-achieve ni John Lloyd ang magandang katawan plano na niya talaga i-continue ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.

“Wala talagang timeframe. I’m thinking long term. Hindi ko ginawang sobrang intense [‘yung program] kasi imposibleng ma-achieve ‘yung six-pack abs in six weeks. I’m thinking long term. Part na siya ng lifestyle mo, ng buhay mo,” pahayag pa ni John Lloyd.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CRUSH MO

IAN VENERACION

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KAPAMILYA

KIM

KIM CHIU

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with