^

Pang Movies

Goma aminadong iiyak kung mai-in love ang anak na dalagita

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dalawang bagong endorsers ng Bench Skin Whitening Product ang ipinakilala kamakailan sa launching ng bago nilang produktong sinasabing gumagamit ng “nano bright technology” na makapagpapaputi sa loob lamang ng pitong araw. Pero ang usapan nga, mukhang hindi naman kailangan ng kanilang endorsers ang kanilang produkto dahil magaganda na ang skin color nila.

Ang dalawang bagong endorsers na iniharap sa press ay parehong anak ng celebrities. Ang isa ay si Sam Rod­ri­guez na anak ng yumaong actor na si Miguel Rodriguez. Iyong isa naman ay si Dominique Cojuangco, ang nag-iisang anak ng aktres na si Gretchen Barretto. Supposed to be, tatlo ang ka­nilang endorsers pero hindi raw nakarating ang isa.

Sa tatlo, ang masasabi nga sigurong mas sikat na sa ngayon ay si Domi­nique Cojuangco dahil may mga media exposure na siya noon pa man, hindi kagaya ng dalawa na talagang ngayon lang nakita.

Makikita mo rin ang suporta ng kanilang mga grupo. Para kay Dominique, dumating ang kanyang tiyahing si Marjorie Barretto, bukod nga sa kanyang mga magulang na sina Gretchen at Tonyboy Cojuangco. Naroroon din ang kanyang napakagandang pinsan, na star na rin ngayon, si Julia Barretto.

Bukod doon, may mga nagdatingan ding ibang Bench personalities. Siyempre hindi mawawala ang kanilang kauna-unahang endorser na hanggang nga­yon ay nasa kanila pa rin, si Richard Gomez. Si Richard din ang nasa cover ng kanilang bagong style book for the month. Sinabi nga nila roon na hanggang ngayon, at totoo naman iyon, si Goma ang isa sa mga tinitingalang actor ng Philippine cinema. Ka­sama rin ni Goma ang kanyang anak, na nag-model na rin para sa Bench, si Juliana. Lumala­king magandang bata si Juliana kaya nang nabiro ng isang kasamahan namin si Goma, “Paano kung ang anak mo makakita ng isang kasing guwapo mo?”

Natawa na lang si Goma. Pero sagot niya, “Sigu­ro iiyak ako. Pero matagal pa iyon, thirteen lang siya.”

Actually, doon sa gathering na iyon, si Goma ang matagal naming nakakuwentuhan. Incidentally kasi ay birthday ni Goma bukas, April 7.

 

Kaso ng rape ng iba’t ibang babae kay Vhong nakakasawa na

Isa namang stuntwoman na kini­lalang si Margarita Fajardo ang nagsampa ng isa pang demandang rape laban kay Vhong Navarro. Di­uma­no nangyari iyon noong 2009. Nasa isang shooting sila nang sabihan daw siya ng alalay ni Vhong na gusto siyang makausap sa loob ng kanyang van, at sinasabi niyang doon naganap ang pang­hahalay. Hindi raw siya nag­reklamo dahil natatakot din siya dahil stuntwoman nga lang siya samantalang lea­ding man na si Vhong.

Pangatlo na ’yan. Kung kami ang tatanungin, nakakasawa na. Bakit hindi pa sila lumabas nang sabay-sabay kung totoo mang marami pa nga ang na-rape ni Vhong? Bakit hindi na lang sila magsama-sama at isang kaso na lang ang reklamo nilang lahat, multiple counts na lang, hindi pa istorbo sa korte dahil isang kaso na lang ang didinggin kaysa sa paisa-isa nilang reklamo?

Ang dami kasong dapat resolbahin ng mga kor­te natin na hindi nabibigyan ng desisyon. Kaya ang mga ganyan, dapat sana simplified na lang. Mas magiging madali pa ang resolution ng mga reklamo nila.

vuukle comment

BAKIT

DOMINIQUE COJUANGCO

GOMA

LANG

PERO

SHY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with