^

Pang Movies

Marvin pang-executive na ang porma

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Bale apat na linggong tatakbo ang psycho-drama-thriller na Obsession sa TV5 na pinagbibidahan ng actor-chef-businessman na si Marvin Agustin. Pero bida-kontrabida siya sa kanyang mala-psycho character na si Dr. Ramon Mendoza. Uy, in fairness kay Marvin, napakaguwapo niya at hindi ’yung tipong ngarag na sa rami ng trabaho. Kasi ba naman, bukod sa mga negosyo, ang dami niyang project na ginagawa sa TV5 at ang latest nga ay itong Obsession.

May four weeks pa nga sa airing pero may ibinigay na sa kanyang bagong script para sa bagong serye naman. Mapag-aaralan naman niya ito kapag may time siya dahil basta raw trabaho ay lagi siyang may panahon.

Napansin namin si Marvin sa pocket interview sa kanya ng press na inayos ng corporate communications department ng Kapatid Network na saksakan ng pogi sa executive na dating sa kasuotang Amerikana. Kaumpok niya ang ilang kalalakihang businessman at after ng chikahan with the press at umalis na ang unang grupo na mga kausap ay may apat na babae ang dumating naman na mga negosyante rin at ka-meeting din ni Marvin.

Masistema ang aktor sa tulong ng kanyang sekretarya kung paano i-handle ang kanyang TV work, ang mga restaurant, at ang mga meeting na may kaugnayan sa kanyang trabaho at negosyo.

Say nga pala ni Marvin, ang Obsession daw ay isa sa mga nagawa niya sa TV5 na type na type niya ang story at pati na ang kanyang role dahil misteryoso ang pagkatao ng doktor na ginagampanan. Kasama niya rin sa TV series sina Elizabeth Oropeza at Bianca King, na dual role sa bidang karakter nina Vanessa at Bernadette.

Kaye at Mike parehong blooming

Ang dalawa pa naming napansin na mga artista ay sina Kaye Abad at Mike Tan.

Ang ganda-ganda at napakagaling na artista sa Annaliza ng ABS-CBN ang mahusay na aktres na si Kaye. Dati nang maganda si Kaye pero mas lalo ngayon kaya dapat guwapo at mabait ang maging dyowa niya.

Ito namang si Mike ng Kambal Sirena sa GMA 7 ay nag-mature ang hitsura pero lalong naging handsome and yummy. At four years na raw silang mag-on ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Hindi sila nagparetoke at mga young pa sila ha? Baka nagpakinis lang sila ng fez, maraming Belo o Calayan product lang sa tabi-tabi at pati na generic gluta na effective na pampaganda at pampakinis ng kutis.

vuukle comment

BIANCA KING

DR. RAMON MENDOZA

ELIZABETH OROPEZA

KAMBAL SIRENA

KANYANG

KAPATID NETWORK

KAYE ABAD

MARVIN

MARVIN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with