^

Pang Movies

Aktres na kayod-kabayo, taga-salo pa ng gastusin ng dagdag sa pamilya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sad kami for a young actress na breadwinner na nga, hindi pa tinutulungan ng kanyang family para gumaan ang kanyang mga tungkulin. Balita ka­sing may coming additional member ng kanyang pamilya na siguradong siya na naman ang magda­dala ng mga gastusin nila. 

Mabuti na raw lamang her manager and well meaning friends ay gumagawa na ng paraan para matulungan ang young actress at hindi naman abusuhin ng kanyang mga kaanak.

Shalala na-insomnia at nag-LBM dahil sa sariling pelikula

Nararamdaman na ngayon ni Tolites Reyes aka Shalala, ang pinagdadaanan ng isang artista kapag may launching movie na sila. Sa presscon ng launching ng indie film niyang Echoserang Frog, na kahit sa April 2 pa ang showing, nakakaramdam na siya ng hilo, hindi makatulog at laging nag-i-LBM (loose bowel movement). 

Minsan naman, dahil ilang gabi na siyang hindi nakakatulog, binigyan na siya ng gamot ng doctor niya para lamang makatulog. Nakatulog daw iyon at naging magaan na ang kanyang pakiramdam nang magising siya kinabukasan after ilang oras siyang nakatulog. Biniro si Shalala kung ano ba ang ini-expect niyang kikitain ng movie na makakatapat ang showing ng Diary ng Panget ng Viva Films.

“Masaya na ako kung kikita kami ng one million pesos at sana ay umabot naman kami ng second day,” matapat na sagot ni Shalala. â€œPero nagpapasalamat ako sa lahat ng mga pumayag mag-guest sa movie (more than 30) kahit libre, na hindi tumanggi. Marami pa sanang maggi-guest kaya lamang wala na kaming time para mai-shoot sila. At sa aking mentor and discoverer, si Kuya Germs (German Moreno) na nang tanggapin ko ang offer, siya talaga ang ni-request ko na hindi dapat mawala sa cast.”

Kasama sa movie sina Kiray Celis, Joross Gamboa, Angelu de Leon (na ang dami raw itinulong kay Shalala), Dennis Padilla at Marco Alcaraz. Sa direksiyon ni Joven Tan, produced ito ng Scenema Concept International Presentation, ilan sa mga special guest sina Anita Linda, Jaclyn Jose, Derek Ramsay, at mag-amang Alvin at Angelo Patrimonio. 

Dumating din sa launching si Kuya Germs at makakasama na niya muli si Shalala sa Walang Tulugan with Master Showman para mag-promote ng pelikula na may premiere night sa March 31 sa Fisher Mall sa Quezon Avenue, Quezon City.

Alvin magtu-tour sa iba’t ibang bansa kasama ang mga legend sa basketball

Nakausap din namin sa presscon ang mag-amang Alvin at Angelo Patrimonio na very close friends pala nina Direk Joven Tan at Shalala. Nami-miss din daw ni Alvin ang paglalaro ng basketball pero tuloy naman daw ang legend’s tour ng mga dati niyang kasama sa basketball. 

Ngayon nga raw ay may invitations sa kanilang maglaro sa Baltimore in Maryland, USA, sa Italy, Switzerland, at New Zealand. 

Si Angelo naman ay paminsan-minsan ding naggi-guest sa mga show pero kaga-gra­duate lamang nito ng culinary arts sa College of St. Benilde at isa na siyang chef.

 

vuukle comment

ALVIN

ANGELO PATRIMONIO

ANITA LINDA

COLLEGE OF ST. BENILDE

DENNIS PADILLA

KUYA GERMS

SHALALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with