^

Pang Movies

Kris walang itinabing regalo ni James, mamahaling bag at relo nai-trade-in lahat!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Maganda ang epekto sa Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ang magandang pag-uusap nila ng former husband niyang si James Yap.  Kahapon sa KrisTV nai-share ni Kris kung paano na nga siya naka-move on dahil nai­kukuwen­to na niya ang mga bagay na hindi nalaman ng marami noong magkasama pa sila ni James, hang­gang sa naghiwalay na sila. Like noong 2009 na alam na ng family na may colon cancer si Presi­dent Cory Aquino, binigyan daw siya ni James ng isang branded handbag na never niyang binili.

Kuwento ni Kris sa harap ng mga guest co-host niyang sina Erich Gonzales at Pooh, “Kuripot si James pero kinaya niyang bilhin ang handbag dahil alam daw niyang ikatutuwa ko iyon.

“Hindi ako bumili noon dahil sabi ni Mommy hindi raw makatarungan na bumili ako nang gano’ng kamahal na handbag. Saka nag-effort pa si James na tawagan si Gretchen (Barretto) para tanungin kung saan nabibili ang ganoong handbag at kung ano ang color na gusto ko. Fuschia ang binili niyang handbag.

“In 2010, ibinili naman niya ako ng pink Rolex watch, with a card na ‘thank you for the five years we are together.’ Kaya lang, nang maghiwalay na kami, trineyd-in ko ang mga iyon pero bumili ako ng another pink handbag na ganoon din at pink Rolex watch kasi ayaw kong gamitin ang mga ibinigay niya sa akin. Nagdagdag na lang ako sa cost. Kaya lahat ng mga ginagamit ko ngayon, aking lahat iyon. At least, I can look back now, naikukuwento ko na iyon at alam na ninyong lahat.”

Kahit anong pilit nina Erich at Pooh kay Kris na magsalita tungkol sa kanyang love life, hindi talaga siya napasagot. Hayaan na raw lamang dahil for the last two months ay naging tahimik ang kanyang personal life.

Si Erich, hinamon niya si Kris at siguro raw, in a few days, ay magsasalita na rin ang TV host-actress.

Joyce nakatikim nang kagatin ng baboy

Two months lamang pala talaga ang itatagal ng romantic-drama na Paraiso Ko’y Ikaw na dinidirek ni Joyce Bernal for GMA 7, na napapanood bago ang 24 Oras.  Biniro tuloy namin si Kim Rodriguez sa pocket presscon nila nina Kristoffer Martin, Joyce Ching, at Phytos Ramirez kung mami-miss niya ang alaga niyang magandang puting baboy sa story, si Jaime. Nagkabiruan nga raw na dapat bago matapos ang taping nila, ma-litson na si Jaime pero parang hindi raw niya kayang kainin ang alaga niya. Noong una nga raw, itim ang alaga niyang baboy pero pinapalitan ni Direk Joyce ng puti dahil nangangagat ito eh lagi pa naman niyang kalong ito sa mga unang eksena nang umuwi sila ng Maynila mula sa Isla de Amor.

Sa last two weeks ng Paraiso Ko’y Ikaw, marami raw magagandang eksenang mapapanood, kasama rito ang isang fashion show na pumayag si Kim na magsuot ng two-piece lingerie at si Kristoffer na nagsuot ng skimpy trunks dahil kailangan ito sa story dahil ang business nila ay mga lingerie and undergarment. Hindi rin pinaligtas ni Direk Joyce sina Joyce at Phytos sa pag-join sa fashion show.

vuukle comment

CORY AQUINO

DAHIL

DIREK JOYCE

ERICH GONZALES

IKAW

JAIME

NIYANG

PARAISO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with