^

Pang Movies

Alice Dixson hindi pa rin nagse-seryoso sa lalaki

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

After one year na divorced na si Alice Dixson, wala pa siyang boyfriend kaya biniro siya ng mga kausap after the press launch ng first tawa-serye niya sa TV5, ang Confessions of a Torpe. Ano ba ang hinihanap niya sa magiging boyfriend niya? May idini-date naman daw siya, non-showbiz, pero hindi niya boyfriend. 

“Gusto ko sana, non-showbiz, matangkad sa akin, kasi I’m 5’8” in height,” sagot ni Alice who came sa presscon na naka-’80s get up, bagets na bagets, tema ng kanilang romantic-comedy ni Ogie Alcasid. â€œAt saka, kung bata sa akin, sana eight years younger lamang sa akin. Ayaw ko rin naman nang sobrang tanda sa akin.”

May mga nag-suggest kung sino ang bagay sa kanya, may isang actor na sinabi sa kanya pero mukhang hindi niya type dahil umiling-iling lamang siya. Nang may sabihing ibang showbiz guy din, ang sagot niya: “Patingin muna.” 

Itinanggi rin niya ang isang showbiz guy na gustung-gusto siya dahil hindi pa raw niya ito nakatrabaho at ngayon lamang niya narinig na may issue pala sa kanila. Saka hindi niya magugustuhan dahil mas mababa ang height nito sa kanya.

No problem kay Alice kahit saan siyang network magtrabaho pero ayaw na niyang umalis sa TV5 dahil comfortable na siya.

Sa Lunes, March 3, na mapapanood ang Confessions of a Torpe sa TV5, 7:30 p.m.

Dennis at Tom pasa-pasa ang katawan nang bumaba ng bundok

Umakyat ng Baguio sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez last week na masaya dahil ang Mang­dirigma episode ng Magpakailanman ang muli nilang pagsasamahan after ng beki serye nila last year, ang My Husband’s Lover. Pero bumaba sila after two days na pasa-pasa ang katawan dahil ang role nila as Eduard Folayang at Mark Sangiao ay mga mixed martial artist na, during the taping, hindi maiiwasang masaktan sila talaga. 

Mamaya na mapapanood ang Magpakailanman ni Mel Tiangco after ng Vampire ang Daddy Ko. Sa direksiyon ni Neal del Rosario, kasama rin sina Sheena Halili, Andrew Schimmer, Snooky Serna, at Bembol Roco.

Ryzza Mae kilig na kilig kay Richard, ’di kilala si Sarah

Kilig na kilig si Ryzza Mae Dizon sa kaguwapuhan ng special guest niya kahapon sa The Ryzza Mae Show, si Richard Gutierrez. Natuwa siya nang sabihin ni Richard na sa kanyang show ang first public TV appearance niya in 2014.

Naaliw si Richard sa pagiging true ni Ryzza Mae na nag-fill up ng slum book niya. Bawat tanong niya kay Richard, na hindi niya alam ang spelling ng sagot nito, humihingi siya ng ibang answer na alam niya ang spelling. Sa tanong kung sino ang crush ni Richard na sinagot niya ng “Sarah,” mukhang hindi na-brief si Aling Maliit na si Sarah Lahbati ang girlfriend ng aktor.

vuukle comment

ALING MALIIT

ANDREW SCHIMMER

BEMBOL ROCO

DADDY KO

DENNIS TRILLO

EDUARD FOLAYANG

NIYA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with