^

Pang Movies

Nanette umikot ang mundo sa musika kaya ’di na nag-asawa

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakuwentuhan namin si Nanette Inventor sa set ng Madam Chairman. Gumaganap siyang ina ni Sharon Cuneta sa tawa-serye ng TV5. Nalulungkot ito dahil magkakahiwalay na sila ng mga kasamahang artista.

Pangarap niyang mag-radyo kaya lang iniisip nauubos na ang oras dito lalo na kung araw-araw ang programa.

Ayon pa rin kay Nanette, hindi siya nakapag-asawa, bagama’t may mga nanligaw naman, kasi umikot na ang mundo niya sa musika.

‘‘Nakakabata ang musika,’’ say pa ni Nanette.

Nakilala at sumikat si Nanette bilang si Doña Bu­ding sa loob ng 15 years. Naging miyembro rin siya ng The Unforgettables. Ngayon niluluto na ang project nito bilang si Becki Belat.

Sandino gagawin ang lahat makasunod lang kay Coco

Guwapo at malakas ang dating ni Sandino Martin na bida ng Unfriend. Maraming nagsasabi na puwede siyang sumunod sa yapak ni Coco Martin bagama’t ’di naman sila magkamag-anak.

Gaya ni Coco, na nagsimula rin bilang sexy actor at lumabas sa Serbis at Masahista, gagawin ni Sandino ang lahat para sumikat balang araw gaya ng kanyang idolong aktor.

Ang pelikulang Unfriend ay isa sa mga naunang pelikula mula sa isandaang global entries sa non-competitive Panorama section ng Berlin Film Festival sa Germany at umani ng papuri mula sa mga German film critics.

Palabas na ang Unfriend, mula sa direksiyon ni Jay Altarejos at tampok din sina Angelo Ilagan at Boots Anson-Roa, sa Feb. 26 mula sa Solar Entertainment Corporation.

 

vuukle comment

ANGELO ILAGAN

BECKI BELAT

BERLIN FILM FESTIVAL

BOOTS ANSON-ROA

COCO MARTIN

JAY ALTAREJOS

MADAM CHAIRMAN

NANETTE

NANETTE INVENTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with