^

Pang Movies

Magkaiba ng gusto! Asawa ni Ka Freddie, pag-aaral ang priority kaysa magka-baby

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos ikasal ni Freddie Aguilar sa kanyang 17-year old wife na si Jovie Gatdula Albao noong nakaraang taon, ngayon ay pinag-uusapan na nilang magkaroon ng anak.

Sa isang interview ni Ka Freddie, nasabi nito na gusto niyang magkaroon ng anak kay Jovie. Pero ang priority daw ng kanyang misis ay ang kanyang pag-aaral.

“Napag-usapan namin ‘yong pagkakaroon ng baby. Pero ang priority ‘yong pag-aaral niya.

 â€œSabi ko, Babe, 61 na ako. Kung biglang matsambahan na mabuo, at least, ‘kako, graduate ka na bago ka pagbawalan na lumabas ng bahay,” sey pa ni Ka Freddie na may anim na anak na.

Kinasal noong November 2013 sila Freddie at Jovie under Muslim rites. Ang mga Muslim names nila ay Abdul Farrid at Sittie Mariam.

Dumaan sa maraming pagsubok ang relasyon ng dalawa at umabot pa ito sa pakikialam ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) dahil menor de edad pa nga si Jovie nang makarelasyon si Ka Freddie.

Roy hindi reklamador

Labis ang kalungkutan ng buong cast and staff ng Villa Quintana sa biglaang pagyao ni Roy Alvarez sanhi ng cardiac arrest.

Ang 63-year old character actor ay gumaganap bilang si Don Manolo Quintana sa nasabing GMA Afternoon Prime series.

Ayon sa isang staff ng teleserye na nakausap namin, wala raw silang naririnig na reklamo mula kay Roy kahit na abutin pa sila ng madaling-araw sa set.

Masaya nga raw kasama ang aktor at mahilig makipagkuwentuhan sa lahat. Kaya laking-gulat nila sa biglaang pagkamatay nito.

Naging paborito si Roy kunin ng GMA 7 sa mga teleserye nila dahil mahusay itong makisama at walang masyadong mga demands na hinihingi.

Bukod sa Villa Quintana ay lumabas din si Roy sa My Husband’s Lover, Unforgettable, Pahiram ng Sandali, Alice Bungisngis and her Wonder Walis, Amaya, Now and Forever: Ganti at Sana ay Ikaw na Nga sa GMA-7.

Sa ABS-CBN 2 naman ay napanood siya noon sa Guns & Roses, Juanita Banana, Parekoy, Bud Brothers Presents Once in a Lifetime Love, at Krystala.

Isang theatre actor si Roy Alvarez na ang tunay na pangalan ay Leandro Delantar Alvarez at ipinanganak siya sa Pagbilao, Quezon noong March 23, 1950.

Unang sabak ni Roy sa pelikula ay noong 1971 sa pelikulang Pagdating Sa Dulo ni Direk Ishmael Bernal.

Naging suki si Roy sa iba’t ibang klaseng roles sa pelikula tulad sa comedy (Working Girls, Ma’am May We Go Out?, Super Inday and the Golden Bibe, Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting, Rubberman); drama (Yesterday, Today & Tomorrow, Rosa Mystica, Remember Me Mama, A Dangerous Life, Kung Kasalanan Man, Ms. Dolora X, Rizal sa Dapitan); action (Kapag Puno na ang Salop, Rizal Alih, Anak ng Cabron, Hanggang May Buhay, Mayor Cesar Climaco, Epimaco Velasco: NBI, Birador); at mga sexy movies (Ale­xandra, Cariño Brutal, Sabik sa Halik, Matrikula, Alipin ng Tukso).

Sa buong acting career ni Roy ay twice pa lang siyang na-nominate for an acting award. Una ay noong 2003 sa Film Academy for best supporting actor for Diskarte at noong 2010 sa FAP ulit for Father Jejemon.

Naging laman ng mga balita si Roy Alvarez noong early ‘90s dahil sa kanyang paniniwala na may mga “extra terrestrial” sa ating paligid. Isa siya sa mga parating nagka-camp out noon sa Pila, Laguna at nag-aabang sa pagdating ng mga aliens mula sa ibang planeta.

Pero biglang natutok na siya sa pagiging lecturer at speaker para sa ilang environmental groups na Consciousness Development, Inner and Outer Ecology, Healing Mother Earth and Zero Waster Management.

Bukod nga sa pagiging isang environmental advocate, president din siya ng EcoWaste Coalition.

‘Pagkalalaki’ ni Justin Bierber kita sa kumakalat na video

May kumakalat na video ngayon si Justin Bieber na umiihi ito sa loob ng isang holding cell in Miami.

Pagkatapos maaresto ang Canadian pop singer dahil sa DUI sa Miami Beach, Florida ay nakita sa isang video na kinakapkapan siya ng mga pulis bago siya pinasok sa isang holding cell.

Na-upset ang mga lawyers ni Bieber dahil hindi raw dapat lumalabas in public ang mga footages ng pag-aresto at pagkapkap sa pop star.

Pinakanabahala ang mga abogado sa video footage na umiihi si Bieber sa holding cell at halos kita na ang private parts nito.

Ayon sa isang source ay pinapakita sa video ang pagiging intoxicated ni Bieber dahil hindi niya makontrol ang sarili niyang katawan.

vuukle comment

BIEBER

ISANG

JOVIE

KA FREDDIE

PERO

ROY

ROY ALVAREZ

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with