^

Pang Movies

Marian at Dingdong pinagkakaisahan ng mga manghuhula, love life at career mas malakas

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maraming Chinese seers ang nagkasundo na the Year of the Wooden Horse is definitely Marian Rivera’s banner season. Both her love life and career will be stronger than ever

Ang iba ay nakitang malakas ang posibilidad of a marriage with Dingdong Dantes, kahit ilihim muna nila. Pareho silang may mga contract (sa network at mga produktong sila ang endorser) kaya lang nila iniiwasan ang pagpapakasal.

Sa pag-aartista, higit na successful si Marian this 2014. Gagawa siya ng pelikulang ipapalabas sa buong Asia at posibleng co-production venture with foreign companies.

Ito rin ang panahon na magwawagi siya ng mga international award bilang best actress sa TV at pelikula. Kahit madalas silang magkakalayo ni Ding­dong, mabibigyan naman sila ng panahon para sa isa’t isa.

Aktres na feeling super ganda malalaos na, mga kapwa aktres nagdiriwang!

Isang aktres ang bababa ang kategorya sa mga second hand role. Hihina kasi ang rating ng kanyang mga TV show at magiging flopsina ang pelikula.

Ilang kapwa niya aktres ang magdiriwang ng patago dahil sobrang pintasera ang malalaos na aktres, na ang feeling ay siya ang pinakamaganda sa balat ng lupa.

Sandara lulutang uli sa Pinoy showbiz

Isa pang hula ay lulutang muli sa local showbiz si Sandara Park after sumikat siya sa South Korea and other Asian countries as a member of the hit making all-female group.

Puwedeng maging one of the stars uli si Sandara sa isang teledrama at maging judge siya sa mga darating na talent shows.

Hero Angeles sasabayan ang balik-eksena ni Sandara

Pati si Hero Angeles na dating ka-tandem ni Sandara Park, balik-eksena sa 2014. Mahusay naman siyang aktor kaya’t magiging visible siya sa mga TV drama series.

Buti naman at hindi lang siya sa Walang Tulugan with Master Showman lalabas na bihira namang panoorin.

Vhong miss na miss nang magpatawa ng fans

Sa rami ng iniindang sakit sa katawan ni Vhong Navarro, nangangamba ang kanyang mga kaibigan at tagahanga na baka matagalan pa bago siya makapagtrabaho.

Sandali pa lang siya nawala, miss na miss na si Vhong ng kanyang fans. Lahat sila ay nagdadasal na bumilis ang kanyang recuperation upang maging fit sa very taxing na paglabas sa TV, live shows, at pelikula.

After the mauling incident, tiyak na higit siyang sisikat at kasasabikang mapanood. Ang sigurado, mahabang mga oras at maraming araw ang kanyang gugugulin sa loob ng korte.

Phil pinipigilan na ang sariling magpapatol

Mabilis na nag-deny si Phil Younghusband sa kanyang Twitter account ang paratang na siya ang nakabuntis kay Denisse Oca at ito ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Angel Locsin.

Ang mother ni Denisse na si Melissa Mendes ay nakiusap sa football star na linawin ang issue upang malinis ang pangalan ng kanyang daughter.

Pakiusap pa ni Phil, tigilan ang speculations tungkol sa breakup nila ni Angel upang hindi madamay ang mga taong wala namang kinalaman.

He is still mending a broken heart at pinipigilan niya ang magpapatol sa kung anu-anong siyete.

Heart naghahangad ng wedding made in heaven

Makakatulong kay Heart Evangelista ang hosting job sa bagong show na Weddings TV.

Lahat ng mahalagang bagay sa paghahanda ng kasal, tatalakayin sa palabas.

Personal ang pakikialam ni Heart sa mga detalye ng show kaya’t makakaipon siya ng first-hand information for weddings, from the most simple at matipid, hanggang sa mga engrande at super expensive na seremonyas.

Tiyak na malalaman natin kung ano ang idea ng actress/TV host tungkol sa isang perfect wedding.

Ngayon pa lang kasi ay naghahangad siya na magkaroon ng a wedding made in heaven.

Sigurado na kayang si Sen. Chiz Escudero ang magiging groom niya?

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CHIZ ESCUDERO

DENISSE OCA

HERO ANGELES

SANDARA

SANDARA PARK

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with