^

Pang Movies

KC mag-aaral muna sa abroad, nag-sorry sa fans na nag-expect sa Dyesebel!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Plano talaga ni KC Concepcion na mag-aral uli sa ibang bansa kaya walang katotohanan ang mga tsismis na iiwanan niya ang Pilipinas dahil si Anne Curtis at hindi siya ang gaganap na Dyesebel.

Hindi ganoon kababaw si KC na can afford na mawala nang matagal sa showbiz at mag-aral uli, hitsurang degree holder na siya.

Nakita ang pagiging edukada ni KC nang mag-apologize ito sa kanyang fans na umasa na siya ang mapipili para gumanap na Dyesebel.

Tonton ibang level ang mga nasasamahang serye

Nanghinayang ako dahil hindi natuloy si Tonton Gutierrez sa Dyesebel. Ang unang tawag sa akin ng isang bossing ng ABS-CBN, kasama si Tonton sa cast ng Dyesebel pero sa mundo siya ng mga sirena at siyokoy.

Natuwa nga si Tonton dahil bilang siyokoy, hindi siya mahihirapan na bumili ng mga damit. Isa lang ang hitsura ng kanyang costume na provided pa ng production.

Nagbago ang plano dahil inilagay si Tonton sa cast ng Sana Bukas Pa ang Kahapon na bongga rin dahil mga big star din ang kasama niya. Ang mahalaga, hindi nawawalan si Tonton ng project. Hindi basta project kundi mga project na mataas ang quality.                                               

Sen. Ralph NAG-Birthday sa Baguio

Happy birthday kay Sen. Ralph Recto, ang better-half ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Ngayon ang 50th birthday ni Papa Ralph at ang huling balita ko ay nagbabakasyon sila ni Mama Vi sa Baguio City. Kasama nila ang anak na si Ryan Christian, ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Good influence si Papa Ralph kay Mama Vi. Naging successful ang political career ng Star for All Seasons dahil sa guidance ng kanyang asawa na mula sa angkan ng mga pu­litiko. Nakikita ko na susunod si Ryan Christian sa yapak ng kanyang mga ma­gu­­lang.                                              

Rochelle ninakawan ng kaklase

May bad experience kahapon si Rochelle Barrameda sa kanyang dating kaklase sa school na nagpunta sa bahay niya at humingi ng pagkain.

Wala si Rochelle sa bahay nang dumating ang perwisyong kaklase. Nagdrama ang babae sa kasambahay ni Rochelle na nagugutom siya. Nasunugan din daw siya at may sakit na kanser.

Naawa ang kasambahay, pinakain ang classmate ng amo niya pero nang umakyat siya sa itaas ng bahay, nawala ang pesteng bisita, tangay ang kanyang cell phone.

Galit na galit si Rochelle nang malaman ang ginawa ng kanyang kaklase. Nagmagandang-loob na nga ang kasambahay niya, ninakawan pa. May mga nagpayo kay Rochelle na ipa-blotter sa pulis ang abusadong kaklase para hindi na maulit ang ginawa nito.

Amy nag-celebrate ng 15th year sa dyowang non-showbiz

Happy wedding anniversary sa mag-asa­wang Amy Austria at Duke Ventura. Kaha­pon ang 15th wedding anniversary nina Amy at Duke.

Invited ako sa wedding anniversary dinner nila sa isang French restaurant sa The Fort, Taguig City pero hindi ako nagpunta dahil bukod sa gabi ay nalalayuan ako sa venue.

More power at more blessings ang anniversary wishes ko para kina Amy at Duke na habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pagsasama. Magandang ehemplo sila sa ibang mag-asawa na kung kailan tumagal ang relasyon, saka naman naghiwalay. Ang Diyos ang sentro ng relasyon nina Duke at Amy kaya nananatiling matatag ang kanilang pagmamahalan.

vuukle comment

DYESEBEL

MAMA VI

PAPA RALPH

RYAN CHRISTIAN

TONTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with