^

Pang Movies

KC at Rhian matagal nang hiwalay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Matagal nang hiwalay sina KC Montero at Rhian Ramos pero ngayon lamang pumutok ang balita.

Hindi nagkukuwento o nagpapainterbyu ang dalawa pero kapag may mga nagtatanong, sumasagot sila.

Pero kahit hiwalay na sila, madalas na nakikita na magkasama sina Rhian at KC na hindi naman nagkapagtataka dahil magkaibigan sila bago nagkaroon ng relasyon.

Inaabangan ang reaksyon ni Mo Twis­ter tungkol sa split up nina Rhian at KC. Na-hurt si Mo nang malaman nito na boyfriend ng ex-girlfriend niya ang kanyang bestfriend.

Nagsalita raw si Rhian na hindi muna ito magmamahal as in aasikasuhin muna niya ang kanyang career.

Sa ganda ni Rhian, hindi siya mawawalan ng manliligaw. Si Boy2 Quizon ang na-sight  na kasama niya sa premiere night ng 10,000 Hours noong Martes sa Greenbelt Cinema.

Wala tayong nababalitaan na nanliligaw si Boy2 kay Rhian. Baka inimbitahan lamang niya si Rhian na manood bilang isa siya sa mga producer ng 10,000 Hours.

Robin tuwang-tuwa sa ‘A’ ng CEB!

Si Mariel Rodriguez ang kasama ni Robin sa premiere night ng 10,000 Hours na Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Tuwang-tuwa si Robin at ang mga produ ng pelikula dahil sa mataas na grade na ibinigay ng  CEB.

Ang sabi ng mga nakapanood sa 10,000 Hours, malaki ang posibilidad na maging best picture ang pelikula na tumatalakay sa corruption na nangyayari sa gobyerno.

10K Hours at Boy Golden magiging mainit ang salpukan

May mga nagsasabi na mahigpit na makakalaban ng 10, 000 Hours ang Boy Golden na pinagbibidahan naman ni Laguna Governor ER Ejercito.

Si Chito Roño ang direktor ng Boy Golden at subok na ang husay niya sa paggawa ng pelikula. Bihirang-bihira na gumawa ng action movies si Chito pero criticaly-acclaimed ang kanyang recent  indie movie, ang Badil.

Malay natin, baka ma-duplicate ni Chito sa Boy Golden ang pagi­ging pulido ng Badil dahil na-ins­pire siya nang todo sa life story ni Boy Golden.

Sa tunay na buhay, kamag-anak ni Deborah Sun si Boy Golden na Arturo Porcuna ang tunay na pangalan. Notorious gang leader si Arturo noong dekada ’60 at kapatid siya ni Baby Porcuna.

Baby Porcuna ang pangalan ng nanay ni Deborah. Nagkaroon ng relasyon si Baby sa actor/director na si Leroy Salvador at si Deborah ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Si Baby ang subject ng 1978 movie na Hindi Sa ’Yo ang Mundo Baby Porcuna. Si Beth Bautista ang gumanap na Baby at nanalo siya ng best actress award dahil sa papel na kanyang ginampanan.

Bea pang-lima na pinay Miss Internaional

Classic ang beauty ni Bea Rose Santiago, ang Pinay na nag-win ng Miss International crown and title noong Martes.

Dating “the who” si Bea na biglang nakilala dahil sa tagumpay niya. Si Bea ang ika-limang Pinay na nanalo ng Miss International crown. Sinundan niya ang mga yapak nina Gemma Cruz-Araneta, Aurora Pijuan, Melanie Marquez, at Lara Quigaman.

Ipinagbubunyi ng mga Pilipino ang success ni Bea na matalino dahil flawless ang English sa kanyang speech sa coronation night ng Miss International.

vuukle comment

ARTURO PORCUNA

AURORA PIJUAN

BABY PORCUNA

BADIL

BEA

BEA ROSE SANTIAGO

BOY GOLDEN

MISS INTERNATIONAL

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with