^

Pang Movies

‘Malakas ang dating ko kaya hindi ako nagkaka-BF’ - Eugene

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inurirat ni Kuya Boy Abunda si Eugene Domingo sa Buzz ng Bayan kung bakit zero pa rin ang love life niya.

Rason ni Uge: “Napakalakas kasi ng dating ko eh. Nai-intimidate ang mga lalaki sa akin. Pero, sa totoo lang, gusto ko nang magka-boyfriend.”

Paano siya makikipagsabayan sa Metro Manila Film Festival 2013 sa mga pelikula nina Vic Sotto, Kris Aquino, at Vice Ganda? 

“Mahirap luminya sa kanila na tested box-office drawers. Pero ’yung pelikula namin, Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel perfect ngayong Pasko. Isa sa mga aabangan dun ’yung kissing scene namin ni Sam Milby. Tiyak na mayayanig ang manonood,” paniguro ni Uge.

Kris close kina Daniel at apl.de.ap

Nag-post ng picture sa Facebook si Kris Aquino kamakailan kung saan napapagitnaan siya nina apl.de.ap at Daniel Matsunaga na parehong nali-link sa kanya. Isa kaya sa kanila ang posibleng maging next husband niya?

“Wala ’yon,” giit niya. “Birthday ni apl.de.ap iyon kaya may kuha ako. Top priority ko pa rin ang pagiging isang ina. Sina Bimby (Yap, Jr.) at Kuya Josh (Aquino) lang ang concentration ko ngayon. Pero kung talagang may lalaking magpapatibok ng puso ko, darating siya. Pero hindi ako naghahanap,”  pahayag ni Kris.

                                

vuukle comment

ANG KIYEMENG PREQUEL

DANIEL MATSUNAGA

EUGENE DOMINGO

ISA

KIMMY DORA

KRIS AQUINO

KUYA BOY ABUNDA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with