^

Pang Movies

Mga artista hindi na ‘makapagtago’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang pinakamaugong na pinag-uusapan ngayon ay ang iskandalong nangyari kay Anne Curtis. May pinuntahan daw siyang isang private party, kung saan siya nala­sing nang husto. Tapos may kumatok yata habang nasa loob siya ng rest room. Lumabas daw na galit na galit si Anne, pinagmumura ang lahat ng taong naroroon. May sinampal pang mga tao, kabilang na ang actor na si John Lloyd Cruz at ang isang magazine editor na hindi naman kasama sa party nila kung ‘di naroroon para sa isang meeting.

Pati nga raw ang model at television host na si Phomela Barranda ay tinanong pa ni Anne habang parang sinusurut-surot pa kung bakit siya naroroon, sabay sabing kaya siyang bilhin, pati na ang kanyang mga kaibigan at ang buong club na iyon.

Pero nang mahimasmasan, nagsimula na raw magpadala ng text messages si Anne sa mga nasampal niya at namura niya, at nag-post din ng message sa kanyang social networking account at nag-sorry sa kanyang nagawa. Inamin niyang lasing na lasing lang siya at iyon ay isang leksiyong natutuhan niya sa kanyang buhay, at hindi na mauulit ang ganoon.

Sa ngayon na laganap na ang kuwento, at marami na ang nagte-text, halos wala ka na ngang lugar na masasabing private. Kasi kahit na sino puwedeng mag-text o mag-social media kung ano ang ginagawa mo. Hindi kami magtataka kung may lu­ma­bas pang video niyang pagwawala ni Anne dahil madali na ring gawin iyan sa pamamagitan ng cell phones.

Sa ngayon, hindi na puwede iyong kagaya ng dati na itatago ng mga artista ang mga pribadong pangyayari na siyempre ayaw din nilang malaman ng kanilang mga fans.

Talagang hindi magandang malaman ng iba na nagwawala pala si Anne nang ganoon. 

Megan nalusutan ang ‘Midnight snack’

Dito naman pala sa Pilipi­nas magpa-Pasko si Miss World Me­gan Young. At least makakasama siya ng kanyang pamilya. Alam naman ninyo sa mga Pinoy, mahalagang buo ang pamilya pagdating ng araw ng Pasko.

Noong isang umaga napano­od namin ang kanyang TV interview kung saan tinutukso siya at pilit na tinatanong kung ano ang kanyang favorite na midnight snack. Iyon kasi ang title ng segment sa news ni Mikael Daez na sinasabing “best friend” ni Megan. Pero mabilis na nalusutan ni Miss World ang mga tuksong iyon.

Magaling na photog nag-babu na

Iyong magaling na photographer na si Bobot Meru, na isa rin naming kaibigan ay sumakabilang buhay na noong Linggo ng hapon.

Ang mga labi ni Bobot ay nakalagak nga­yon sa Funeraria Paz doon sa loob mismo ng Manila Memorial Park sa Parañaque.

Ipanalangin natin ang kanyang kaluluwa.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

BOBOT MERU

FUNERARIA PAZ

JOHN LLOYD CRUZ

KANYANG

KUNG

MANILA MEMORIAL PARK

MEGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with