^

Pang Movies

Female celeb kinabubuwisitan na ng mga katrabaho, kagaspangan ng ugali ramdam na nila

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinaiinisan na ng ilang kasama sa trabaho ang female celebrity. Lumalabas na raw kasi ang kagaspangan nito sa kasamahan.

Eh feeling ng mga kasama, nilamon na ng kasikatan ang celeb. Hindi man direkta kung magtaray, may drama naman siyang nang-iinsulto kapag may mali ang katrabaho. Saka nagsasarili raw siya ng mundo at namimili siya ng kasama at kausap.

Nakarinig na rin kami ng reklamo kay female celeb. Eh bihira naman namin siyang makasama kaya dedma lang kami sa reklamo. Hehehe.

Kris nagparaya para sa anak

Nagpaubaya raw si Kris Aquino sa anak na si Bimby Yap sa mga eksena sa My Little Bossing. Ang kanyang anak kasi ang bida sa movie at si Ryzza Mae Dizon kaya hinayaan niya ang dalawa ang umangat sa mga eksena.

Of course, first time ni Bimby na umarte sa pelikula kaya ang maging stage mother ang priority ni Kris. Bukod diyan, co-producer din ang anak kaya gusto niyang maging maayos ang accounting ng pera ng bata.

Patapos na rin ang filmfest movie at nagawa na ang teaser ng kanilang pelikula. Lutang na lutang nga raw ang kakyutan ng mga eksena nina Bimby at Ryzza Mae kaya kampante si Kris na magugustuhan ng manonood ang My Little Bossing.

Tom malaki ang pakinabang sa gay serye

Hindi pa tapos ang GMA sa pagtupad sa gusto ng mga taong nahuhumaling pa rin sa Tom-Den love team kahit tapos na ang series niyang My Husband’s Lover.

This time, ang pag-push naman ng album nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang inaayos ng network.

May concert abroad din ang dalawa kaya hindi lang dito sa bansa ang pagpapaligaya ng GMA kundi pati na rin sa ibang bansa.

Mas marami nga lang pakinabang si Tom sa success ng My Husband’s Lover. Meron na siyang movie with Carla Abellana sa Regal Entertainment, Inc. at isang indie movie na Gaydar na produced ni Atty. Joji Alonso. Nasa cast din siya ng Bekikang: Ang Nanay Kong Beki na showing pa rin ngayon.

vuukle comment

ANG NANAY KONG BEKI

BIMBY

BIMBY YAP

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

JOJI ALONSO

KRIS AQUINO

MY HUSBAND

MY LITTLE BOSSING

REGAL ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with