Anak ni Mega manonood din ng laro KC at NBA player na si Chandler Parsons nag-bonding
MANILA, Philippines - Natuloy na ang pagkikita nina NBA player Chandler Parsons ng Houston Rockets at actress KC Concepcion.
Sinabi ng 6-foot-9 na si Parsons na nag-dinner sila ni Concepcion, anak ni veteran actress Sharon Cuneta, sa isang restaurant noong Martes ng gabi.
“Yeah I did. We had dinner last night (Martes) and we had a mutual friend that put us in contact and hopefully, we can do some work together in the future here,†ani Parsons.
Nagsimula ang palitan ng mga tweets nina Parsons at Concepcion noong Mayo at noong Setyembre ay mula silang nagkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa.
Nasa bansa ang 24-anyos na si Parsons para sa pre-season game sa pagitan ng Rockets at Indiana Pacers.
Inaasahang manonood si Concepcion sa naturang laro ngayong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
At kung mangyari ito ay magiging inspirasyon ni Parsons si Concepcion sa kanyang bawat bibitawang tira kontra sa Pacers.
“She’s a great girl and I had a good time last night (Martes),†sabi ng second-round draft pick ng Houston at ang 38th overall pick noong 2011 mula sa University of Florida.
Bago bumalik sa United States ay umaasa si Parsons, napabilang sa 2011-2012 NBA All-Rookie Second Team, na muli niyang makaka-date si Concepcion.
“Hopefully it can happen again,†sambit ng NBA player.
- Latest