^

Pang Movies

Character actor na basketball player, matangkad at matipuno, mga sekyu at masahista pala ang trip ‘kantahan’

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Matangkad, matipuno ang katawan, at basketball player ang isang character actor. Tunay na menchu kung titingnan pero closet queen pala!

Pati mga security guard nagkuwento na kinantahan sila sa C.R. ng tall and handsome na artista.

Kapag nagpupunta siya sa mga massage parlor, ang mga pogi ang gustong mag-service sa kanya. Dapat ding all-around ang talent ng masseur.

Sikat na artista gumasta ng P300 M sa mga kamag-anak noong eleksiyon

Ngayon lang lumabas na ang sikat na artista ay gumasta ng P300 million sa kampanya upang manalo sa eleksiyon ang kanyang mga kamag-anak. Paano naman kaya mababawi ang kanyang walang patumanggang puhunan?

Lalo pa ngayon na may TRO (temporary restraining order) na from the Supreme Court upang matigil ang paglalabas ng pork barrel funds. Sa latest hearing ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa iskandalo, hindi muna pinayagan ang pagbabanggit ng mga mambabatas na sangkot.

Hinihintay munang matapos ang imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso sa Ombudsman.

Isabel sobrang ibinibida ang karakter ni John

Ipinagmalaki ni Isabel Oli na ang kanyang boyfriend na si John Prats ay “sobrang loving, sweet, sobrang OK, stress-free.”

Hintayin natin kung ano naman ang comment niya sa January 2014.

Rocco mangungulit kay Lovi

Rocco Nacino says he is knocking on Lovi Poe’s heart. Gusto niyang muling buksan ang puso ng aktres. Sabi naman ni Lovi, masaya siya kapag nasa paligid ang aktor.

Gaano naman kaya kasaya? Sana maniwala agad tayong lahat. Sa rami kasi ng mga natsikang nanligaw sa pihikang artista, wala pang nag-blossom into a real romance.

Rolls Royce naka-display sa building ni Revillame

Si Willie Revillame pala ang unang bumili sa Pilipinas ng kotseng Rolls Royce nang magbukas sa bansa ang car dealer ng mga sasakyang pang-royalty at bilyonaryo sa Europe.

Kabilang sa mga display ang brand new, fully paid (take note hindi installment!) Rolls sa launch ng kanyang Will Tower-Mall on Sept. 15. Naku, baka dumugin ng mga gaka (gate crashers) na diyariyo ang okasyon.

Elton John first time na kakanta sa Emmys

For the first time, live guest performer si Elton John sa darating na Emmy Awards. Ang kanyang number, special tribute sa yumaong concert pianist na si Liberace, na isinalin sa TV-movie ang buhay, Behind the Candelabra ng HBO.

Parehong nominated as best actor sa Emmy ang mga bida sa Liberace biopic na sina Michael Douglas at Matt Damon. Puwede rin naman na mag-tie sila sa parangal.

Gerald gumastos sa Tom Ford suit nang mag-escort kay Maja

Magkano kaya ang suot na formal suit ni Gerald Anderson sa Star Magic Ball? Tom Ford creation kasi ito, na alam naman natin na very expensive brand.

Can afford naman ang aktor, lalo na’t siya ang escort ni Maja Salvador, who is the apple of his eye at the moment, silang dalawa ang itinanghal na best dressed sa much talked about party.

vuukle comment

BEHIND THE CANDELABRA

ELTON JOHN

EMMY AWARDS

GERALD ANDERSON

ISABEL OLI

ROLLS ROYCE

TOM FORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with