^

Pang Movies

Love life isasakripisyo Kris hindi na mag-aasawa, palalakihin na lang mababait ang mga anak

- Vinia Vivar - Pang-masa

Mukhang wala na talaga (o wala pa) sa isip ni Kris Aquino ang muling pag-aasawa dahil ang latest announcement niya, handa raw siyang isakripisyo ang kanyang love life alang-alang sa kanyang mga anak.

“Ito honest ha,” say ni Kris kahapon sa  kanyang morning show na Kris TV, “kasi iniisip ko, sige for you to get something good from God, kailangan mayroon kang ready i-sacrifice. Tapos naisip ko, in fairness sa akin, I did a good job with the two boys, parang behaved sila and hindi sila mga brat and all.

“So sabi ko, ‘sige na nga. God, if my two boys will remain good until the day I die at happy sila, kahit hindi mo na ako bigyan ng love life, okay lang. Basta mabait ‘yung mga anak ko.”

In fairness kay Kris, matagal-tagal na nga siyang walang boyfriend. Maraming nali-link sa kanya at ang latest nga si Direk Lino Cayetano na ngayon ay Congressman na ng Taguig pero puro hanggang tsismis lang naman at mula nang maghiwalay sila ng asawang si James Yap, wala pa talaga siyang ina-announce na bagong pag-ibig.

Sobrang focused siya talaga sa kanyang dalawang anak nitong mga nakaraang panahon after her separation lalo na nga sa lumalaking bunsong anak na si Bimby.

Ngayon nga ay nagpakaka-stage mother siya kay Bimby dahil nagsimula na ang bagets sa first movie nitong My Little Bossings na kalahok sa Metro Manila Film Festival this December.

Binuko ni Maricel Andi laging antok na antok sa shooting

Hanga si Maricel Soriano sa pagka-dedicated na artista ni Andi Eigenmann na kasama niya sa pelikulang Momzillas na produced ng Viva Films and Star Cinema Films.

Sa tuwing magre-report daw ang young actress sa taping ng Momzillas ay naaawa raw siya dahil lagi raw itong antok na antok.

Siyempre, knows ni Maria na naglalagare si Andi sa iba’t iba nitong showbiz commitments pero bilib naman daw siya dahil kahit pagod na, game game pa rin daw ito sa shooting and very professional.

Actually, may something in common sina Andi at Maricel. Pareho silang ayaw tantanan ng intriga. Si Maria ay na-master na talaga kung paano i-handle ang mga intrigues dahil nakita n’yo naman, nandito pa rin siya at nakatayo pa rin.

Kaya naman natanong si Maria kung binibigyan ba niya ng payo si Andi when it comes to handling intrigues. Ang sagot ng Diamond Star, paano naman daw niya magagawa ‘yun eh lagi ngang antok na antok ang young actress kapag nasa set.

 â€œParang medyo mahirap naman yatang magbigay ng payo sa taong antok na antok,” say ni Maria.

Natawa naman kami du’n.

Kim apaw-apaw na kaligayahan ang nararamdaman

“Nakakaiyak, nakakatuwa, nakakakilig, lahat na!” Ito ang masayang pahayag ni Kim Chiu sa kanyang official Instagram account matapos siyang parangalan bilang Best TV Drama Actress sa ginanap na 3rd EdukCircle Awards para sa kanyang pagganap sa top-rating primetime teleseryeng Ina, Kapatid, Anak.

Ayon kay Kim, apaw-apaw ang kasiyahang nadarama niya sa panibagong blessing na kanyang natanggap ngayong taon. Kamakailan ay tumabo ng mahigit P100 milyon sa takilya ang first movie team-up nila ni Xian Lim na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

 

 

 

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANTOK

BAKIT HINDI KA CRUSH

BIMBY

CRUSH MO

DIAMOND STAR

DIREK LINO CAYETANO

DRAMA ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with