^

Pang Movies

Young actress suwail at malditang anak, sariling ina sinusumbatan sa paglalandi noon

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Suwail at maldita talaga ang isang young actress. Pati nga magulang niya ay hindi niya pinakikinggan kapag pinagsasabihan. Keber niyang makarinig ng sermon basta mairaos lang ang landi sa katawan!

Nang mabalitaan ng ina ang tsismis na may kinakalantari siyang aktor, pinagsabihan agad ng ina ang aktres. Sa halip na pakinggan niya ang payo ng ina ay pinagmalditahan niya at inungkat pa ang kalandiaan ng madir noong kabataan nito.

Eh wala rin naman kasing masasabing steady dyowa ang aktres. ’Yung anak ng isang aktor na kinakalantari niya ay on and off naman ang kanilang relasyon. Off kapag hindi niya nakikita ang lalaki at on kapag nagkakatikiman.

Direktor nawala sa sarili nang makaeksena ang Star For All Seasons

Nawala rin si Direk Marlon Rivera nang makaeksena niya si Gov. Vilma Santos-Recto sa Ekstra: The Bit Player. Director ang papel niya sa movie na tinaray-tarayan ang Star For All Seasons.

“At least, hindi na ako masasabihang starlet dahil nakasama ko na sa movie ang Star For All Seasons. Hahaha! But really, it was an honor for me na makaeksena siya. Hindi ko akalaing makakaarte ako eh direktor naman talaga ang gusto ko sa career ko. Hahaha!” tawa nang tawa na sabi ni Direk Marlon sa presscon ng kanilang indie movie na ire-release ng Star Cinema.

Hindi nga akalain ng direktor na mapapansin siya sa Ekstra. Just the same, nagpapasalamat din siya kay Atty. Joji Alonso at Direk Jeffrey Jeturian sa break na ibinigay sa kanya.

Anyway, hindi pa rin iiwan ni Direk Marlon ang paggawa ng movie the latest of which ay ang Ang Huling Henya ni Rufa Mae Quinto at ang filmfest entry nina Vic Sotto at Kris Aquino plus Bimby Yap and Ryzza Mae Dizon.                                                                  

GMA hindi pinakawalan si Regine

Hindi na lalayas ng GMA Network, Inc. si Regine Velasquez-Alcasid. Ipinahayag ng bosses ng network na mananatili sa kanila ang Asia’s Songbird at pipirma muli ng kontrata ang asawa ni Ogie Alcasid.

Minabuti ng GMA na i-exercise ang option to renew sa kontrata ni Regine. Wala namang naging problema sa singer-actress.

Lagi ngang kinukulit ng press si Ogie sa renewal ng kontrata ni Regine. Iwas na lang siya sa tanong kahit alam na niya ang desisyon ng asawa.

Better na rin nga ’yung magkahiwalay sila ng kontrata ng network ng asawa. Mas healthy ang mangyayari dahil magkakaroon sila ng chance na makatrabaho ang ibang artista.

                                                          

vuukle comment

ANG HULING HENYA

BIMBY YAP AND RYZZA MAE DIZON

BIT PLAYER

DIREK JEFFREY JETURIAN

DIREK MARLON

DIREK MARLON RIVERA

NIYA

STAR FOR ALL SEASONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with