^

Pang Movies

Male celebrity mas pino-problema ang mga susuutin kesa sa dialogue sa kanyang serye

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinaiinisan ng staff ng isang show ang male celebrity dahil mas inaabala pa ang kanyang isusuot kesa sa abalahin niya ang kanyang script.      

Ilang beses na raw kasi dumarating ang male celebrity na hindi handa sa taping kahit na a day before ng kanilang taping ay napapadala na sa kanya ang script ng mga eksena niya. Darating sa set ng maaga pero ang concern niya ay ang kanyang isusuot. Hindi nito babasahin ang kanyang script hanggang hindi niya nakikita ang mga damit niya sa taping na iyon.

“Hindi namin maintindihan kung ano ba siya sa show na ito? Artista ba siya o stylist? Hindi bale sana kung ang mga damit lang niya ang pinakikialamanan niya, kaso pati ang damit ng mga makakaeksena niya ay pinakikialamanan niya rin. Kailangan daw ay color-coordinated sila para maganda raw tingnan sa TV. Kung ano raw ang kulay ng damit niya dapat ay matched din sa kaeksena niya para maganda raw tingnan.

“O ‘di ba? Parang siya na ang wardrobe consultant ngayon? Kaso ang trabaho niya ay ang umarte ng maayos na hindi pa nga niya nagagawa ever since na nagsimula kami mag-taping!” talak ng source namin.

Nagpapaka-fashionista ngayon ang male celebrity dahil nahawa na raw sa ibang mga artista na may kanya-kanyang stylist.

“Parang hindi na akma sa edad niya na may stylist siya. Ang alam kong may ganyan ay ang mga bagets dahil sila ang parating inaabangan sa TV at pelikula. Hindi tulad niyang may edad na. Ano ba ang role niya, eh tatay naman siya ng mga bagets? Kailangan bang maging fashionista rin siya?” iritableng tanong pa ng source namin.

About sa script naman, pinagsabihan na siya na dapat ay makaabot lang siya ng take three or else babawasan na ang mga eksena niya. Umaabot kasi sa take six ang male celebrity sa simpleng eksena lang.

 â€œAng nakakatawa pa sa male celebrity na ‘yan, ang mga pangalan ng designers ay alam niya at kung kelan sila huling naglabas ng mga bagong design. Pero ang mga dialogue niya na aapat lang ang words ay hindi pa niya masabi ng maayos. Buwisit siya, ‘di ba?” dagdag na kuwento ng aming source.

Nova Villa tanggap ang 27 years old na dyowa ni Tiya Pusit

Masayang-masaya ang veteran actress-comedienne na si Nova Villa kapag mga bata ang kanyang nakakatrabaho. Kakaibang sigla raw ang kanyang nararamdaman kapag mga bata ang kanyang mga co-star.

Sa bago ngang drama series ni Tita Nova, gaganap siyang lola ng bagong Kapuso child actor na si David Remo sa Binoy Henyo.

Matagal ding napahinga si Tita Nova sa paggawa ng drama series pagkatapos ng Aso ni San Roque.

“Alam n’yo naman sa edad natin ay mas kailangan natin ng pahinga para kapag may bagong trabaho okay na tayo ulit. Pero kahit nga wala akong teleserye ay nasa sitcom naman ako na Pepito Manaloto.

“Ngayon ay normal na ulit ang taping schedules ko. Fresh na fresh kasi tayo mula sa bakasyon,” biro ni Tita Nova.

Naitanong din namin ang tungkol sa planong pagpapakasal ng kanyang kapatid na si Tiya Pusit sa 27-year-old boyfriend nito na nagngangalang Nathan Villa.

“Hindi pa kami nagkakausap ni Meng (Tiya Pusit’s nickname). Pero may nagparating na sa akin tungkol diyan. Ano ba ang gusto ninyong maging reaction ko?” sabay tawa ng beteranang aktres..

Aminado rin si Tita Nova na nakakapagod na ‘yung parating may pinag-aawayan dahil may mga edad na rin sila.

“Lagi ko naman ipinagdarasal ang kapatid kong ‘yan eh. Kung ito ba ang tao na makakapagpasaya sa kapatid ko then I will thank God for that.

“As long as happy ang kapatid ko, happy na rin ako. ‘Yun ang importante ngayon,” pahayag ni Tita Nova na nakasama sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine.

Anak nina Prince William

at Kate ika-pitong

magiging King George

George Alexander Louis na ang pangalan sa bagong panganak na prinsipe ng Duke and Duchess of Cambridge na sina William and Kate.

May anim nang hari na may pangalan na George na siyang nagiging paboritong piliin na pangalan ng British royalty. Pero wala pang nagiging hari na ang name ay Alexander o Louis.

Ang buong pangalan ni Queen Elizabeth II ay Elizabeth Alexandra Mary. Si Prince William naman ay William Arthur Philip Louis Windsor.

Kung magiging bagong hari ang supling nina William and Kate ay baka gamitin nito ang title na George VII.

Ang great-great grandfather nito na si George VI (ama ni Queen Elizabeth II) ay Albert Frederick Arthur George. Pero nakilala ito sa nickname na Bertie.

Si George VI ang ginampanan ni Colin Firth sa pelikulang The King’s Speech na nanalo siya ng Oscar best actor noong 2010.

 

vuukle comment

KANYANG

NIYA

PERO

SIYA

TITA NOVA

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with