^

Pang Movies

Direk Joyce nagwi-wish na magkatuluyan sina Xian at Kim

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Parang inamin na rin ni Xian Lim ang relasyon kay Kim Chiu. Hindi man nilang diretsahang sinasabing sila na, pero sa mga kilos nila at sagot sa mga tanong sa presscon ng pelikulang Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo? mula sa Star Cinema, hindi maikakailang malalim na ang pinagsamahan nila.

‘‘Magsisilbi siyang inspirasyon sa aking buhay. Lahat ng lalaki ay puwedeng maging dream girl si Kim. Nakilala ko na ang pamilya niya at gusto ko silang makilala pang mabuti,” sabi ng young actor.

Ikatlong pagtatambal na ito nina Kim at Xian kaya natanong namin kung ano ang nabago sa kanilang pag-uugali.

Ayon kay Kim, malakas palang kumain si Xian. ’Pag naiwan niya ang pagkain, ubos na ito ’pag dumating siya.

Sinabi naman ni Xian na sa ikatlong pagtatambal nila ay mas naging open sila sa isa’t isa. Mas higit ang kulitan kaysa magpakaseryoso.

Ayon pa rin sa dalawa, makaka-relate ang moviegoers sa karakter na kanilang ginampanan bilang sina Sandy at Alex.

Palabas na ang pelikula sa mga sinehan nationwide sa July 31.

Nabanggit naman ni Direk Joyce Bernal na bilib siya sa nakitang chemistry nina Kim at Xian kaya maganda ang working relationship.

‘‘Hope na sana sila na nga,’’ asam pa ng lady director.

Ayon pa rin kay Bb. Joyce, comedy ang pelikula pero may sipa at kikiligin ang moviegoers sa ilang eksena ng magkapareha.

FAMAS prexy may sariling programa na

May bagong programa sa telebisyon ang FAMAS president na si Engelo ‘‘Eloy’’ Padua na tumutulong para makatuklas ng mga bagong talino at mga balitang pang-showbiz tuwing Biyernes, 7 p.m. at replay tuwing Sabado, 7 p.m., sa Destiny Cable Channel 8, GSAT Channel 1, at www.gnntv.asia.com.

vuukle comment

AYON

BAKIT HINDI

CRUSH MO

DESTINY CABLE CHANNEL

DIREK JOYCE BERNAL

KIM CHIU

STAR CINEMA

XIAN

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with