^

Pang Movies

Epekto at milagro sa paliligo sa Our Lady of Lourdes; Libel case ng abogado ni Katrina Halili dismissed!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mama Salve, alam mo ba na may dugong showbiz si Ambassador Cristina Ortega, ang ambassador natin sa France at Monaco? Nalaman ko na kamag-anak siya nina Michelle at Robert Ortega nang mag-dinner kami sa bahay niya sa Paris.

Ang liit-liit talaga ng mundo dahil sino ang mag-aakala na kamag-anak ng mga alaga ko ang maganda at napakabait na ambassador ng Pilipinas sa France at Monaco?

Ang laki-laki ng bahay sa Paris ni Ambassador Ortega at dahil friends na kami, puwede na akong makituloy sa kanyang lugar sa susunod na magbakasyon uli tayo sa France.

Samantala, maraming salamat kay God dahil na-dismiss ang libel case na isinampa ni Atty. Raymund Palad laban sa akin at sa mga kasamahan ko sa Star Group of Companies.

Ang saya-saya ko nang sabihin sa akin ni Atty. Norman Golez na walang probable cause para kasuhan kami ni Atty. Palad ng libel. Ang feeling ko, ’yon ang epekto at milagro ng paliligo namin ni Lorna Tolentino sa batis ng Our Lady of Lourdes.

Hindi ko naman first time na nagkaroon ng libel case pero dusa talaga ang gumising ng maaga at pumunta sa korte kaya sobrang pasasalamat ko nang malaman ko ang good news mula kay Atty. Golez

Maraming salamat kay Papa Miguel Belmonte at kay Papa Al Pedroche na naabala rin dahil nakasali sa demanda kesehodang wala silang kasalanan.

The who si Atty. Palad? Siya ang former legal counsel ni Katrina Halili sa infamous Hayden Kho, Jr. sex video scandal. I-research n’yo na lang ang dahilan ng kanyang pagdedemanda dahil hindi ko na type balikan ang nakaraan.

Ako pa rin… ni Lovi pinagaganda

Sa August at hindi na sa July 29 ang airing ng Akin Pa Rin ang Bukas, ang bagong primetime show ng GMA 7. Starring sa Akin Pa Rin ang Bukas si Lovi Poe at co-stars niya sina Rocco Nacino, Solenn Heussaff, Helen Gamboa, at Cesar Montano.

Pinagaganda ng husto ng GMA 7 ang drama series ni Lovi kaya na-move sa August ang pilot telecast. Pataas nang pataas ang rating ng Mundo Mo’y Akin kaya mismong ang televiewers ang nag-request na magkaroon ng extension ang chaka serye nina Alden Richards, Louise delos Reyes, at Lauren Young. Hindi pa raw sila ready na mawala ang Mundo Mo’y Akin sa kanilang nightly viewing habits.

‘Iimbestigahan ko na sina Mark at Ynna’

At dahil bumalik na ako sa Pilipinas, iimbestigahan ko na ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Mark Herras at Ynna Asistio.

Para maghiwalay ang dalawa, sure ako na may malalim na reason. Sobrang in love sila sa isa’t isa kaya nakapagtataka na tinapos nila ang kanilang relasyon.

Wish ko lang na gamitin ni Mark ang kanyang sad experience para lalong sumigla ang showbiz career niya. Huwag na huwag siyang tutulad kay JM de Guzman na nahirapan na maka-recover mula sa nagwakas na love affair nila ni Jessy Mendiola.

vuukle comment

AKIN PA RIN

ALDEN RICHARDS

AMBASSADOR CRISTINA ORTEGA

AMBASSADOR ORTEGA

BUKAS

CESAR MONTANO

HAYDEN KHO

HELEN GAMBOA

MUNDO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with