^

Pang Movies

Kahit maganda ang buhay sa Amerika mag-amang Matt at Krista Ranillo nami-miss ang showbiz

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatsikahan namin si Gloria Sevilla noong magpunta kami kamakailan sa 40 days ni Bella Flores. Sa Sampaguita Pictures compound ginanap ang mass na dinaluhan din ng ilang bituin gaya nina Boots Anson Roa, Gloria Sevilla, at German Moreno. Ang karamihan na nagbeso-beso kay Manay Ichu Maceda (may-ari ng compound) ay tiyak naming mga artista rin noong araw at kasamahan ni Tita Bella. Ang punong abala ay ang nag-iisang anak ni Tita Bella na si Ruby.

Kuwento ni Tita Glo, maunlad na ang buhay ng anak niyang si Mat Ranillo III sa Amerika. May anim na apartments ang dating aktor sa California at tila wala nang planong mag-pulitika. Maganda rin daw ang buhay ng anak ni Mat na si Krista Ranillo. May maunlad itong negosyo. Pero nami-miss daw nila ang showbiz. 

“Kaya ako mas gusto ko sa Pilipinas. Gusto ko rin sa America pero bakasyon lang,” sabi ni Tita Glo na excited nang mag-shooting ng Be Careful With My Heart kasama sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

Helen hindi agad napapayag makasama si Lovi

Hindi basta pumayag si Helen Gamboa na sumali sa bagong teleserye ni Lovi Poe sa GMA 7.

Gusto naman ni Helen na makasama ang anak ni Fernando Poe, Jr. na dati niyang naka-partner noon sa ilang pelikula ng FPJ Productions. Pero nang malaman niyang kasama rin sa cast sina Cesar Montano, Gary Estrada, at Assunta de Rossi ay saka lang siya pumayag at siyempre pa, gusto niya ang direktor, si Laurice Guillen.                                                         

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

BELLA FLORES

BOOTS ANSON ROA

CESAR MONTANO

FERNANDO POE

GARY ESTRADA

GLORIA SEVILLA

TITA BELLA

TITA GLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with