^

Pang Movies

Marunong talaga, kung sino ang in sa showbiz, siguradong magiging friend niya Kris bagong reyna at bestfriend ng mga sikat

STARTALK - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Marunong talaga si Kris Aquino. Sikat ngayon si Ryzza Mae at dahil magkakasama sila sa pelikula, may reason na siya para i-guest si Ryzza sa kanyang morning show.

Kapag nangyari ‘yon, tagumpay na naman si Kris dahil siya ang kauna-unahang makakapag-guest kay Ryzza na isang Kapuso sa ABS-CBN.

Si Kris na ang bagong  reyna at bestfriend ng mga sikat. Kung sino ang in ngayon sa showbiz, siguradong magiging friend niya.

Rene Requiestas nanahimik na, hindi makatarungang ikumpara kay Bimby

Parang hindi naman tama ang pralala na bagong Pido at Dida sina Bimby Yap at Ryzza Mae Dizon dahil magkapareha sila sa  Metro Manila Filmfest movie nina Vic Sotto at Kris Aquino, ang Torky and My Little Bossing.

 Una, matagal nang nananahimik si Rene Requiestas, ang leading man ni Kris sa unang pelikula nito, ang Pido Dida. Hindi rin naman ka-face value ni Rene si Bimby o si Ryzza Mae kaya tigilan na ang mga pralala na sila ang bagong Pido at Dida!

Ryzza tinalbugan si Kris

Sa totoo lang, tinalbugan ni Ryzza si Kris dahil siya ang youngest at smallest TV host. Naging TV host si Kris noong dalaga na ito, hindi kagaya ni Ryzza nagkaroon ng solo talk show sa edad na pito.

Mga sikat na personality din ang mga nagiging guest ni Ryzza. Nandiyan sina Susan Roces, Maricel Soriano, Tito, Vic, & Joey, Ma­rian Rivera, Martin Nievera at marami pang iba.

Hindi afraid na mag-guest sa show ni Ryzza ang mga artista dahil alam nila na for fun and entertainment lamang ang lahat. Hindi sila natatakot na matanong tungkol sa kanilang mga personal na buhay.

Sarah ang sarap ng buhay sa Switzerland

Tonight ang presscon ng My Lady Boss ng GMA Films. Fresh from Switzerland si Richard Gutierrez kaya tiyak na tatanungin uli siya ng press tungkol sa kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati.

Kinaiinggitan si Sarah dahil guwapo at mabait ang kanyang boyfriend. Parang ang sarap-sarap din ng buhay niya sa Switzerland.

Kahit sinong babae ang nasa lugar ni Sarah, tatamarin na bumalik sa Pilipinas, lalo na ngayon na tag-ulan at malimit na bumabaha sa lahat ng lugar sa Metro Manila. Di ba Dan Brown?

Aktres na hambog ang image walang kaabog-abog na kinalasan ng bf

Loveless ngayon ang isang aktres na may hambog na image dahil feeling sikat at intelligent siya.

Hindi umubra ang talino ng aktres sa kanyang ex-boyfriend na  hindi natagalan ang pagiging de­manding niya. Nawindang ang aktres nang biglang magbabu ang boyfriend na aktor.

Hindi niya alam kung ano ang tumama sa kanya. Wala siyang maisip na dahilan para mag-alsa ba­lutan ang dyowa niya.

Nalimutan ng hitad na nakakasakal ang kanyang ugali na demanding kaya walang kaabu­­g-abog na nakipaghiwalay ang aktor.

‘Yan ang napapala ng mga babae na feeling sikat at above the rest. Above the rest daw o!

vuukle comment

BIMBY

KRIS

KRIS AQUINO

RENE REQUIESTAS

RYZZA

RYZZA MAE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with