^

Pang Movies

Young actress pinaasa ang nonshowbiz na manliligaw para makahingi ng mamahaling bag, dalawa pang admirer sikretong hinuhuthutan!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mapagsamantala ang young actress na mahilig magpabili sa kanyang nonshowbiz admirer ng mga mamahaling mga gamit at paaasahin lang niya na magkaroon sila ng relasyon. Matagal na raw nanliligaw ang rich guy sa actress pero hanggang ngayon ay friend pa rin ang turing sa kanya. Hindi pa raw kasi siya handa na magkaroon ng seryosong relasyon pero panay naman tanggap niya ng mamahaling regalo sa lalaking ito.

Kelan lang ay nanggaling sa US ang lalaki at nagpabili ng mga mamahaling bag ang young actress. Dahil sobrang nababaliw ang lalaki sa young actress ay ibinili siya nito ng limang bag na paboritong signature brand niya.

Pero just the same, hindi pa rin tinuturing na boyfriend ni young actress ang nonshowbiz guy. Close friends pa rin daw sila. Hanggang halik pa lang ang nangyayari sa kanila.

Worried lang ang friends ng young actress na baka magsawa na sa kakahintay ang nonshowbiz guy sa kanya. Hindi pa niya kasi sabihin kung may pag-asa ba ito o wala.

Ipinagtataka nila kung ano ba ang ayaw pa ng young actress sa lalaki — guwapo na, bagets pa, at galing sa mayamang pamilya.

Natatawa lang ang young actress nang sabihin nito na hindi lang isa kundi tatlo ang nonshowbiz guys na nagkakandarapa sa kanya. At lahat sila ay willing ibili ang mga gusto niya. Kaya bakit nga naman niya sasagutin ang isa? Sayang naman daw ang mamahaling regalo na makukuha niya sa dalawa pang lalaki.

Megan at home kapag sa TV5 rumaraket

Handa nang magpa-sexy ng todo si Megan Young dahil sa role niya sa bagong teleserye ng TV5 na Misibis Bay.

Kukunan ang naturang sex and revenge series sa naturang luxury resort na matatagpuan sa Cagraray Island sa Albay, Bicol.

Suki na si Megan sa Kapatid Network dahil ikalawang show na niya ito after Never Say Goodbye.  Wala pa naman daw nabibigay na bagong project ang ABS-CBN sa kanya kaya okay lang na hiramin siya ng TV5.

“My last show with ABS-CBN was A Beautiful Affair with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. Since wala pa naman silang sinasabi na gagawin ko, okay lang na ipahiram muna nila ako sa TV5.

“I feel at home na rin sa TV5 kasi most of the people there ay nakatrabaho ko na noong Starstruck days ko pa sa GMA 7.

“Saka this is work at bongga ang project. Kaya I feel lucky to part of this new show na kukunan sa Misibis Bay Resort,” paliwanag ni Megan.

Sa kanyang bagong role, magiging pinaka-costume ni Megan ay two-piece bikini. Dahil isa siyang sosyalera na magma-manipulate ng maraming tao sa Misibis Bay.

Kabado si Megan sa kanyang pagpapa-sexy sa show at makakatunggali nga niya sa paseksihan ay sina Ritz Azul at Malak So Shdifak.

“This is my first time to go daring. And I am ready for it. Kailangan sexy pala kami parati sa show na ito. Hindi kami puwedeng tumaba.

“I will try my best to keep my figure dahil puro mga bathing suit ang suot namin,” ngiti ni Megan.

Makikipaglabanan din sa paseksihan ang mga lalaki sa series na sina Daniel Matsunaga, Vin Abrenica, Victor Silayan, at Luke Jickain.

Makakasama rin nila ang mga veteran star na sina Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, and Vivian Velez. 

Demi naghahabol pa ng tubo sa investment ni Ashton

Hindi pa pala tapos ang divorce battle ng dating mag-asawang Ashton Kutcher at Demi Moore.

Ngayon ay pinagtatalunan nila ang higit na $10 million dahil sa isang venture capital na pinasok ni Kutcher noong kasal pa sila ni Moore.

Nag-invest si Kutcher sa isang technology start-up firm na A-Grade. Ang investment niya ay na-estimate na nagkakahalaga ng $100 million.

Sabi ni Moore, entitled din siya sa kinita na ito ng kanyang ex-husband. Pero paliwanag ni Kutcher na hindi communal ang profits ng company at kumita lang siya pagkatapos nilang maghiwalay ni Moore. Kutcher owns 20 percent of the company.

“Ashton and Demi are still not divorced and no settlement has been agreed, even though they have been in negotiations for over a year. Ashton made a lot of money after they married, but he doesn’t believe he owes her as much as she is asking for,” pahayag ng isang abogado.

“Ashton set up A-Grade in 2010, when he and Demi were still together, but he recently told her lawyers the fund had not made substantial money. In fact, he claimed he had only put about $1 million into it.

“Now it seems Ashton were working towards a private offering based on a valuation of $100 million. Ashton owns 20 percent of the fund, under California law, Demi should be entitled to half of his share—$10 million,” deklara pa ng abogado.

Kasalukuyang dine-date ni Kutcher ang former co-star niya sa comedy series na That ’70s Show na si Mila Kunis.

 

vuukle comment

A BEAUTIFUL AFFAIR

ACTRESS

ASHTON

KUTCHER

LANG

MEGAN

MISIBIS BAY

NIYA

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with