^

Pang Movies

Jomari pahinga na sa pagpo-produe ng concerts, nagsalita na rin sa away kay Ronald

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

In-enjoy ngayon si Jomari Yllana sa kanyang pagiging active sa TV. Regular nga siyang napapanood sa afternoon drama series na Kakambal ni Eliana bilang ama ni Kim Rodriguez.

Nang tanungin si Jom kung magiging aktibo ulit siya sa pag-produce ng concerts, say niya na umiiwas muna siya dahil ayaw niyang ma-stress.

Apat na taon din siyang naging abala sa Fearless Productions, ang kumpanya kung saan naging partner niya si Ronald Singson.

Nakapag-imbita sila ng mga sikat na international recording artists para mag-concert sa Pilipinas tulad nina David Cook at David Archuleta, Marie Digby, Kris Allen, Usher Raymond, at John Mayer.

Sila rin ang nag-produce ng reunion Valentine concert nila Pops Fernandez at Martin Nievera noong 2008.

 â€œNakakapagod din kasi aside sa pakikipag-deal sa mga business manager nila, ako rin ang namahala sa promotions for TV and radio. ’Tapos sinasamahan ko rin sila sa mga promo tour.

 â€œEnjoy noong una pero sobrang nakaka-stress. ’Tapos hit and miss din. May mga na-produce kami na malaki ang kinita, may break-even, at merong lugi. Kaya pahinga muna ako sa concerts. Mas relaxed ako ngayon sa pag-arte muna,” sabi ni Jom.

Okay pa rin naman daw ang pagkakaibigan nila ng kanyang business partner na si Ronald. Nilinaw ni Jomari ang mga maling balita na lumabas tungkol sa nasira raw na pagkakaibigan nila.

 â€œMagkaibigan pa rin kami ni Ronald. Wala naman kaming naging problema. May mga nag-react lang ng hindi tama. Medyo misinformed lang sila. Hindi kasi nila alam ang mga tunay na pangyayari.

“Kaya si Governor (Chavit) nagalit siya sa akin. But according naman to Ronald, hindi na raw galit si Gov sa akin. Napaliwanagan na niya,” diin ni Jomari.

Mark Anthony malungkot sa pagkatalo ni Joey

Masayang-masaya si Mark Anthony Fernandez sa pagkapanalo ng kanyang inang si Alma Moreno bilang reelected councilor para sa 2nd district ng Parañaque City. Pang-5th place nga si Alma. Tinawagan siya ng kanyang ina at ibinalita ang pagkapanalo nito sa eleksiyon.

“Alam ko naman na maraming magagawa si mama para makatulong pa sa maraming tao. Kaya siguro pinanalo siya ni Lord ay dahil may purpose pa siya at kailangan siya ng Parañaque City,” pahayag ni Mark Anthony.

 Hindi nakapunta ang aktor sa huling week nang pangangampanya ng kanyang ina. Naging sunud-sunod kasi ang taping niya para sa GMA afternoon drama series na Bukod Kang Pinagpala. Pero nag-provide naman si Mark ng campaign materials at giveaways para sa kanyang pinakamamahal na ina.

 Nalungkot naman si Mark Anthony sa pagkatalo ni Joey Marquez bilang congressman ng Parañaque City. Pero at the same time ay natuwa naman siya sa pagpanalo ng magkapatid na Anjo at Ryan Yllana bilang mga konsehal ng Quezon City at Parañaque, respectively.

Nag-last taping day na ang Bukod Kang Pinagpala at happy si Mark Anthony dahil consistent ang kanilang mataas na ratings.

vuukle comment

ALMA MORENO

BUKOD KANG PINAGPALA

DAVID ARCHULETA

KAYA

MARK ANTHONY

PARA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with