^

Pang Movies

Dennis ayaw makisawsaw sa problema ni Marjorie

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang mga artistang naging asawa ng mga Barretto ay mabuti na lang at hindi nakikihalo sa kanilang mga iskandalo. Tingnan ninyo si Raymart Santiago, nanahimik lang sa iskandalo ng kanyang asawang si Claudine at ng buong pamilya ng misis.

Ngayon tingnan ninyo si Dennis Padilla, tahimik lang din sa kinasangkutang panibagong iskandalo ng dati niyang kinakasamang si Marjorie Barretto. Noong una na nag-deny si Marjorie na siya nga ang nasa picture, may mga nagsasabi nang walang makapagbibigay ng kumpirmasyon kung siya nga iyon kundi si Dennis. Pero hindi na pala kailangan ang kumpirmasyon dahil inamin din naman ni Marjorie at ng kanyang mga abogado na siya nga iyon, kaya lang private pictures daw iyon. Ibig sabihin para lamang kay Marjorie at sa kung sino man ang kumuha ng picture na iyon. Eh kaso kumalat nga lang.

Kung nabubuhay pa ang aming kaibigang si Giovanni Calvo, tiyak ang sasabihin niya ay “katok mga misis.”

Lovi dumiskarte lang para tumaas ang presyo

Nanatiling Kapuso raw si Lovi Poe. Eh bakit? Saan pa ba naman siya pupunta? Talaga bang may offer sa kanya ang ibang network? Ano bang network ang nag-offer sa kanya Channel 4 o Channel 9?

Wala naman talagang naririnig na ibang offer eh. Puro lang naman sila paduda. Diskarte lang talaga ’yan, pampataas ng presyo kung kakagatin.

vuukle comment

ANO

BARRETTO

CLAUDINE

DENNIS PADILLA

GIOVANNI CALVO

LANG

LOVI POE

MARJORIE BARRETTO

NANATILING KAPUSO

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with