^

Pang Movies

Kapag ’di nakatuluyan si Heart Chiz magpapakatanda na lang sa piling ng mga anak

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Sen. Chiz Escudero kung gaano niya kamahal si Heart Evangelista. Kahit ’di ito love at first sight, nadama niya ang pagmamahal nila sa isa’t isa sa pagdaan ng mga araw at pilit na umaahon sa pinagdadaanang problema sa mga magulang ng aktres.

‘‘Kung ’di rin lang si Heart ang makakatuluyan ko sa aking buhay nanaisin ko pang tumanda na lang sa piling ng aking mga anak,’’ say ni Chiz.

 Naniniwala naman ang senador na malalampasan nila ng aktres ang kontrobersiya at ’di naman siya naniniwala na nakakaapekto ito sa kanyang kandidatura dahil hiwalay naman iyon sa kanyang personal na buhay.

Ara uunahin nang magka-baby kaysa magpakasal

Sinabi ni Ara Mina na kasama sa Teen Gen na gumaganap na nanay ni Juancho Trivino na magaan ang kanyang pakiramdam sa pagkakasundo nila ni Cristine Reyes. Inurong na rin ng aktres ang demanda laban sa nakababatang kapatid. Hinintay lang kasi ni Ara ang taos-puso nitong paghingi ng tawad sa kanya.

Tungkol naman sa trabaho, sinabi ni Ara na pumayag na siyang maging nanay sa mga teleserye, gaya nga sa Teen Gen at Yesterday’s Bride, dahil naniniwala siya na uso ito ngayon na kahit dalaga pa at walang anak ay puwede nang tumanggap ng mother role.

Stable pa rin ang relasyon nila ng boyfriend na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan at gusto niyang magpakasal bago siya sumapit sa edad 35. Thirty three na ngayon ang aktres.

‘‘Natatakot na akong manganak kaya puwedeng unahin ko na ang baby bago kami ikasal,” pag-amin ng aktres. “’Yun nga lang dapat sigurado ako na siya na nga ang mapapangasawa ko at makakasama habang buhay.’’

Jomari ipinamana sa anak ang scapular

Naging guest sa H.O.T TV ang mag-amang sina Jomari Yllana at Andrei noong linggo dahil papasok na rin sa showbiz ang bagets.

Pangaral ni Jom sa anak, huwag makakalimot sa pagdarasal dahil ito ang magiging gabay niya sa tuwid na landas. Katunayan, binigyan niya ito ng scapular ni Blessed Virgin Mary at ibinilin na lagi niya itong isama at huwag iwawala.

Iningatan niyang mabuti ang scapular at ngayon ay ibinigay na sa anak para maging ligtas siya at ma­ging maganda ang career na tatahakin kapag pumasok na talaga sa showbiz.

vuukle comment

ARA MINA

BLESSED VIRGIN MARY

BULACAN

CHIZ ESCUDERO

CRISTINE REYES

HEART EVANGELISTA

JOMARI YLLANA

JUANCHO TRIVINO

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with