^

Pang Movies

Solenn tamad sa katawan!

Lanie Mate - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa lahat yata ng model si Solenn Heussaff ang nagsa­bing hindi siya vain at walang arte sa katawan. Pinapagalitan pa raw siya ng mommy niya para lang magpa-derma. Twice a year lang din daw siyang magpagupit ng buhok dahil tamad siyang magpunta sa parlor.

Boyish daw kasi siya kaya hindi conscious sa kanyang susuutin o hitsura maliban lang sa trabaho lalo na kapag may show o taping. Ang collection pa nga niya noon ay basketball cards.

Pero alagang-alaga niya ang kanyang legs. Akala raw kasi ng mga tao ay matangkad siya. Sa tototo lang ay 5’5” lang daw ang height niya pero seven inches naman ang heels na sinusuot niya kaya lalo siyang matangkad tingnan.

Nai-share rin ni Solenn ang trip niya sa mga pagkain. Grilled vegetables and fish ang madalas niyang kinakain. Pero favorite niyang lutuin sa bahay ang sinigang na baboy. Ayaw niya ng bread at artificial juice at umiinom siya ng coffee pero walang halong white sugar. ’Pag may time siya, at walang work, gusto niyang mag-yoga at swimming.

Samantala, sipag-sipagan na si Solenn sa pagpo-promote ng Seduction na palabas na sa mga sinehan ngayon.

Samantala, willing ding lumabas sa indie film si Solenn basta challenging ang story.

Tuesday yumaman sa TV5

Mukhang hindi nagbibiro si Tuesday Vargas nang sabihin na nabili niya ang kanyang bahay ngayon dahil sa mga raket niya sa TV5. Tinanong kasi siya kung ano ang na-invest niya dahil sa pagiging talent niya sa Kapatid Network.

Thankful nga kasi ang komedyante na gumanda ang kanyang kabuhayan dahil sa hindi siya nawawalan ng show sa Channel 5 lalo na ngayon at pinapalakas ang mga programa sa Go 5! campaign.

Dahil din daw sa TV5 ay napansin ang kanyang talent sa pag-arte at pagkanta.  Kahit daw nagpapatawa siya, pagdating niya sa pagkokomento sa Talentadong Pinoy, ay siniseryoso siya ng mga tao. Nakita raw ng management ang kanyang effort sa trabaho at ramdam ni Tuesday ang wagas na pagpapahalaga sa kanya ng Kapatid Network.

vuukle comment

KAPATID NETWORK

NIYA

PERO

SAMANTALA

SIYA

SOLENN

SOLENN HEUSSAFF

TALENTADONG PINOY

TUESDAY VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with