^

PSN Showbiz

Same sex marriage sa Thailand, pabor sa Pinoy showbiz couples

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Magandang balita sa ating mga kapatid sa LGBTQ Community – legal na ang same sex marriage sa Thailand making them the very first Southeast Asian nation para magkaganito.

Bakit kaya naunahan pa tayo?

Sinu-sino kayang mga Pinoy same sex couples na celebs ang mag-a-avail nito? ‘Yung isang direktor ba at isang magandang aktres?

Eh si direk din at isang sexy aktor?

How about ang magjowang pageant kontesero?

Ang saya-saya kung meron na nito sa atin soon.

Alessandra, hindi na ‘bida’ sa bagong poster ng Firefly

Lumabas na ang bagong publicity material para sa pelikulang Firefly na palabas na sa Amazon Prime sa April 30.

Ikinatuwa kaya ni Alessandra de Rossi ang layout ng poster dahil mas prominent na ang mukha ni Dingdong Dantes sa ad ngayon.

Baka naman may iba pang version ito?

Hindi kaya masilip ba sadyang dinownplay ang pagiging lead ni Dingdong dahil bawal sa rules ng Metro Manila Film Festival na may lead star sa higit na isang pelikula?

Kung anuman, alam naman natin na advertising is leaning towards the bigger star, eh kung ganun – between Alex and Dingdong, kailan pa bang magtanong dun?

Cristy, vindicated

Vindicated daw si Cristy Fermin sa na­ging pag-amin ni Baron Geisler na ang anak sa isang aktres na idine-deny noon.

Hindi ba nagkapatawaran na ang lahat at pawang tinanggap na lang ang open secret na ‘yun?

Nakalimutan na nga ng ilan, ano ba ang dahilan kung bakit hindi ito maamin nang tapatan noon?

Oh well, may balakid pa ba sa katotohanan?

For reel at for real, kasama ni Kathryn sa kanyang birthday

Kasama ni Kathryn Bernardo sa Palawan ang mga kaibigan niyang Jericho Rosales at Alden Richards sa birthday celebration niya.

May nagtatanong – sino roon sa dalawa ang for real at sino naman ang for reel?

Kailangan pa bang i-memorize din ‘yun?

Nakakata-quote:

“Gary played golf today and guess what! He Got a hole-in-one! Woohooooo!!!!” – Angeli Pangilinan, wife, manager and lyricist of Sana Maulit Muli

Ibig sabihin, all is well.

Ok na ok na si Mr. Pure Energy sa kanyang The Last One concert!

vuukle comment

THAILAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with