Kris hindi pa tanggap ang kapalaran! Ian kailangan ng pahinga!

SEEN: Tinambakan ng mga flashback at kissing scenes nina Ian Veneracion at Bea Alonzo ang ending ng A Love to Last.

SCENE: Matagal na bakasyon ang kailangan ni Ian Veneracion dahil pagod na pagod ang hitsura niya sa kanyang mga eksena sa pagwawakas ng A Love to Last.

SEEN: Instant celebrity si Kaladkaren, ang impersonator ni Karen Davila. Mas bata, sariwa, at maganda si Kaladkaren kesa sa broadcast journalist na ginagaya niya.

SCENE: Kumportableng-kumportable si Martin del Rosario sa transgender woman role niya sa episode kagabi ng Magpakailanman.

SEEN: Mali ang akala ni Kris Aquino na pulitika ang dahilan kaya nahihirapan siya na makabalik sa showbiz at magkaroon ng television show. Dapat tanggapin ni Kris ang katotohanan na nabawasan na ang popularidad niya dahil pinagsawaan na rin ng publiko ang kanyang hosting style, ang ugali niya na pakikipagkaibigan sa mga sikat at papasikat na artista, ang mga kontrobersya na pinaiingay niya para mapag-usapan at maging relevant.

SCENE:  Hindi nag-promote si Heart Evangelista ng My Korean Jagiya sa Sunday PinaSaya dahil sa pangamba na baka i-boo siya ng fans na ayaw sa kanya.

SEEN: Kung magkakaroon ng remake ang 80’s blockbuster movie na Bagets, puwedeng mga bida sina Mavy at Cassy Legaspi, ang mga anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Future heartthrob si Mavy dahil  pareho sila ng aura ng Bagets star na si Aga Muhlach.

SCENE: “Nagmumura” ang star quality ni Mavy Legaspi sa opening dance number niya kahapon sa Eat Bulaga.

SEEN: Wrong spelling ang pangalan ni Shy Carlos sa short film na Walang Pasubali. Shy at hindi Shai ang pangalan ni Shy sa short film na ginawa ni Eric Ejercito, ang anak ni ER Ejercito.

Show comments