Piolo imina-match sa flight attendant!

Piolo

Sa kagustuhan pala ng nanay ni Piolo Pascual na mag-asawa na siya, kahit sa flight attendant ay inirereto nito ang anak na actor. Yup, umamin si Piolo na in a way ay desperate na nga ang kanyang mommy na magkaroon na siya ng asawa’t anak. Minsan ay tinatanong daw ng nanay niya ang flight attendant kung single ito sabay turo sa anak na single rin, na ikinatatawa lang ng actor.

Pero consistent ang sagot ni Papa P sa nanay, na darating din ang tamang babae para sa kanya.

Aminado naman ang actor na hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ang babaeng para sa kanya. 

“Ready naman ako, kaso wala akong oras. Sa totoo lang ang daming trabaho at hindi ko puwedeng hindi i-savor ang moment na ito. There has to be a perfect timing for everything,” sabi niya sa isang interview.

Anyway, sa November 18 na magaganap ang inaabangang annual fun run na organized by Sun Life Financial Philippines, na this time ay hindi na lang basta takbuhan ang magaganap, meron na rin sila para sa cycling enthusiasts, na ginawang Sunpiology Duo

Magkakaroon ng two parts ang #SunpiologyDUO: Sun Life Cycle PH @BGC and Sun Life Resolution Run.

Gaganapin ang Sun Life Cycle PH sa November 18, 2017 sa Bonifacio Global City in Taguig.

At ang Sun Life Resolution Run will happen on January 20, 2018.

Ang Sun Life Cycle PH ay mayroong seven categories: Tricycle Ride (100 meters for 2-3 year olds), Kids’ Ride (500 meters for 4-5 year olds), Family Ride (30 minutes for 6-15 year olds with adult companion), Solo Ride (30 minutes for 6-15 years old), Short Distance Ride (20km for 10 years old and above), and Long Distance Ride (40km for 10 years old and above).

Ang Sun Life Resolution Run naman ay may 3k, 5k, and 10k categories. Meron silang obstacle course para ipakita kung paano maiwasan ang diabetes at marami pang iba.

Bukod kay Piolo, makikiisa rin sa SunPiologyDUO sina Matteo Guidicelli, Inigo Pascual, Gerald Anderson, at iba  pang Star Magic celebrities.

For updates on Sunpiology Duo, follow @sunlifeph on Facebook, Instragram, and Twitter. Visit  for registration details.  

Xian

Xian, nagdirek ng sariling music video

Tuluy-tuloy ang tagumpay ng Kapamilya heartthrob na si Xian Lim pagkatapos ng kanyang concert sa The Theatre at Solaire dahil ang kanyang pinakabagong Key of X album, na unang inilabas noon lamang nakaraang buwan, ay umani agad ng sold out tours.

 Taong 2014 nang huling maglabas ng album ang singer-actor at ngayon para sa kanyang pinakahihintay na ikatlong album ay sinubok niyang maging direktor ng sariling music video para sa carrier single nito na Getting To Know Each Other Too Well. Kasama niya bilang leading lady sa nasabing video ang Bb. Pilipinas Universe 2016 na si Maxine Medina.

Ang sumikat na Gerard Kenny revival ay kasalukuyang nangunguna na sa local music scene -- #1 chart topper sa MOR at kabilang din sa iba’t ibang MYX music channel hit list.

Kasama rin sa bagong album ni Xian ang OPM classic na Wala Na Bang Pag-ibig, na mula kay Vehnee Saturno at unang pinasikat ng Queen of Soul na si Jaya, at ang OPM favorite na Honey My Love So Sweet mula naman kay Vingo Regino.

Mayroon ding dalawang bagong awitin ang kabilang dito– ang Manhid ni Kiko Salazar at ang Download na tampok si Dingdong Avanzado bilang composer ng kanta.

In all fairness, mula nang inilabas ang Key of X album noong Agosto, nagkaroon na si Xian ng sold out album tours sa iba’t ibang lugar tulad ng Las Piñas City, Malolos City, Bulacan, Lipa City, Batangas, at Sta. Rosa, Laguna. Bibisita rin siya sa Vista Mall - Bataan sa darating na Set. 29 (Biyernes), 5 p.m.

Available na ang Key of X album sa music stores nationwide at sa digital stores worldwide. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook at sa Twitter at Instagram @starmusicph.

Show comments