^

Punto Mo

Road courtesy!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ratsada na ang biyahe para sa mahabang holidays ng ating mga kababayan.

Iba’t iba ang makakasalamuha sa mga lansangan.

Patuloy ang paalala ng mga kinauukulan na laging isaisip ang pag-iingat.

Hindi lamang sa mga pagmamaneho lalo na sa land travel, kundi sana rin ay mapairal ang road courtesy.

Huwag pairalin ang init ng ulo para maiwasan ang bangayan at hindi pagkakaintindihan sa mga lansangan.

Konting diprensiya, pag -usapan na lang nang hindi na umabot sa mainitang komprontasyon.

Dyan nagsisimula ang road rage, na sa ilang pagkakataon nakapagtala na ng maraming ‘buwis-buhay’.

Hinahon at pagbibigayan ang kailangan.

Yung iba kasi, sa kagustuhan agad na makarating sa kanilang destinasyon madalas na wala nang pakialam sa kasabayang motorista. Nawawala ang disiplina.

Ayun imbes mapabilis, nagkakaroon ng aberya kaya lalong napupurnada ang biyahe.

Sa taya nga ng PAGASA, posibleng umabot sa 40-42 degree celcius ang heat index sa ilang bahagi ng Luzon at Davao Region ngayong long weekend.

Ibig lang sabihin posibleng makadagdag ito sa init ng ulo ng ilan, kaya nga dapat na maiwasan.

Respeto at courtesy sa kasabayang biyahero o manlalakbay ang kailangan lalong manaig, para pare-parehong payapang makarating sa mga patutunguhan.

vuukle comment

TRAVEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with