Krema (Simula)

SINORPRESA ni Lex ang kanyang Tiyo Mon. Bigla siyang umuwi sa Villareal. Sampung taon siya bago nakabalik sa Villareal. Kabibiyudo pa lamang ng kanyang Tiyo Mon nang huli siyang umuwi. Nag-aaral pa siya sa kolehiyo noon. Isang magsasaka ang kanyang Tiyo Mon. Sa mga kapatid ng kanyang ina, tanging si Tiyo Mon ang pinakamalapit sa kanya. Mabait sa kanya si Tiyo Mon.

Malaki na ang pagbabago sa Villareal. Noong huli siyang umuwi ay hindi pa sementado ang kalsada pero ngayon ay sementado na kaya marami nang traysikel at ilang dyip ang nakakapasok. Mayroon na ring kuryente. Pagtatanim ng palay, niyog at saging ang ikinabubuhay ng mga taga-Villareal.

Mahigit walong oras din ang biniyahe niya mula Maynila patungong Villareal. Nakakapagod ang pagbibiyahe. Ilang lipat ng sasakyan --- sumakay siya ng barko at van. At itong traysikel ang huli niyang sinakyan para makara­ting sa bahay ng kanyang Tiyo Mon na nasa tabing kalsada lang.

Hindi pa rin nagbabago ang bahay ng kanyang Tiyo Mon. Tipikal na bahay sa probinsiya. Tabla ang dingding at kugon ang bubong. Bagama’t mayroon na ring mga yero ang bubong at hollow block ang dingding na mga bahay doon.

Bumaba siya sa traysikel. Isinakbat niya ang backpack at binitbit ang pasalubong kay Tiyo Mon. Pagkatapos bayaran ang dryaber ay tinungo niya ang bahay.

Parang walang tao.

“Tiyo Mon! Tiyo Mon!’’

Matagal bago may dumu­ngaw sa bintana. Si Tiyo Mon.

“Tiyo! Tiyo!’’ Tawag ni Lex.

“Ay putang-ina! Alexis! Ikaw ano?’’

“Opo!’’

Biglang bumaba si Tiyo Mon.

“Ay putang-ina nadalaw ka rin!’’

“Ngayon lang nagkapanahon, Tiyo.’’

“Halika! Halika sa loob!’’

Pumasok sila.

Napasin ni Lex ang isang maganda at bata pang babae.

“Bakit ngayon lang nagpunta?’’

“Walang oras, Tiyo.’’

“Palibhasa’y mahirap ako kaya hindi mo nadalaw ano?’’

“Hindi po.’’

“Maupo ka, Lex.’’

(Itutuloy)

Show comments