^

Punto Mo

‘Sigarilyo’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NILIPAT ang kasamahan kong si Rey sa ibang departamento. At dahil nag-away kami, ako ang pinagbibintangan niyang nagsumbong sa aming superbisor at naging dahilan para siya i-transfer sa mas mahirap na trabaho.

Hanggang sa may makarating sa akin na banta. Sinabi sa akin ng kasamahang si Mel.

“Narinig ko ang banta ni Rey na ­gagantihan ka. Mag-ingat ka Pards.”

“Bakit niya ako gagantihan?”

“Ikaw nga raw ang naging dahilan kaya siya nalipat ng department. Ikaw daw ang nagsumbong sa bisor.”

“Hindi ko alam ang sinasabi niya. Kahit nag-away kami hindi ko ugali ang magsumbong para lamang magantihan ang nakaaway.”

“Naniniwala ako sa’yo Pards. Basta ang payo ko, mag-ingat ka kay Rey—traidor ang taong yun!” (Itutuloy)

CIGARETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with