^

Punto Mo

Beach sa Italy, pinaghihiwalay ang mga babae at lalaki sa pamamagitan ng konkretong pader!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATATAGPUAN sa Adriatic Coast ng Italy ang itinuturing na kahuli-hulihang beach destination sa buong Europe na nagpapatupad ng paghihiwalay sa mga babae at lalaki. Dito sa ­“Bagno Marino La Lanterna”, na mas kilala ng mga lokal bilang “El Pedocin”, mahigpit na pinaghihiwalay ang mga lalaki at babaing nagbibilad sa araw gamit ang isang 9-foot na pader na gawa sa puting konkreto.

Itinayo noong 1903, pangkaraniwan lamang noon ang mga ganitong uri ng beach upang protektahan ang mga kababaihan na nakasuot ng bathing suit. Ngunit sa paglipas ng panahon, tuluyan nang inalis ang mga ganitong harang sa iba’t ibang bahagi ng mundo, maliban na lamang sa El Pedocin.

Umaabot ang pader hanggang sa mababaw na bahagi ng dagat, kung saan lampas dito ay maaari nang magsama nang malaya ang mga lalaki at babae. May magkahiwalay na pasukan ang pasilidad at naniningil ng 1.20 euros kada tao.

Bagama’t itinuturing nang marami na mahala­gang bahagi ng kanilang kasaysayan at kultura ang El Pedocin, hindi pa rin ito nakaliligtas sa mga kontrobersiya. Kamakailan lamang, umabot sa mga balita ang beach matapos magkaroon ng mainit na pagtatalo nang pumasok ang isang babae sa panig ng mga lalaki. Ayon sa ilang ulat, sinubukan lang umanong tulungan ng babae ang kanyang asawa na bihisan ang kanilang anak na may kapansanan ngunit sinita siya ng ibang kalalakihan doon.

Bago tuluyang mauwi sa sakitan ang argumento inalalayan palabas ang ginang. Tinawag ng ginang ang mga sumita sa kanya na mga “sexist” at iginiit na ang patakaran ay isang malinaw na anyo ng diskriminasyon. Muli nitong binuhay ang matinding debate tungkol sa pag-iral ng isang gender-segregated beach sa makabagong panahon. Habang tinatawag ng ilan na tila nanggaling pa sa sinaunang panahon ang segregation ng kasarian, mariin namang dinepensahan ng mga lokal ng El Pedocin ang kanilang tradisyon at iginiit na walang sinuman sa kanilang lugar ang nagnanais na ipagiba ang kanilang makasaysayang pader.

 

BEACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with