Flocerfida (52)
“PAANO tayo masasabit sa krimen e matagal nang patay si Dong. Kahit pa hukayin ang mga buto niya ay baka wala na ring makikitang ebidensiya. At saka hindi naman tayo babanggit ng kung ano kay Daniel. Dadalawin lang natin siya—makikipagkumustahan. ‘Yun lang ang gagawin natin Makoy,’’ sabi ni Kikoy.
“Akala ko kasi mag-iimbestiga tayo, Kikoy.”
“Ba’t naman tayo mag-iimbestiga? Hindi naman tayo mga awtoridad.”
“Baka rin kasi maghinala si Daniel sa pagpunta natin—lalo pagnakita na kasama kita.”
“Sabihin mong magkaibigan tayo—totoo naman ‘di ba?”
Napatango si Makoy.
Nag-isip muna nang malalim bago nagsalita.
“Sige pasyalan natin si Daniel.”
“Okey. Sa Linggo puntahan natin. Saan ba siya nakatira?”
“Sa Makati—Bgy. Tejeros.”
“Malapit lang pala.”
“Oo. Sa BLISS siya nakatira.”
LINGGO, nagtungo kami ni Makoy sa Bgy. Tejeros para dalawin si Daniel.
(Itutuloy)
- Latest