Health and beauty tips
• Dark Circle sa Mata: Paghaluin hanggang sa lumapot na parang “paste” ang dalawang pirasong hinog at malambot na kamatis. Tadtarin ng kutsilyo at durugin ng tinidor o gumamit ng blender + 1 kutsarang lemon juice + isang kurot ng harina + isang kurot turmeric powder. Kapag mukha na itong paste, ipahid sa paligid ng mata. Hayaan lang ito ng 10-20 minutes. Banlawan ng tubig. Gawin tatlong beses isang linggo.
• Kung balisa at hindi makatulog: Uminom ng mainit na chamomile tea na hinaluan ng lemon/calamansi juice at honey 2 oras bago matulog sa gabi. Nagpapakalma ito at nagpapahimbing ng tulog.
• Laging pahiran ng eye cream ang eyelids. Eyelid skin ang thinnest and most delicate kaya mabilis kumulubot. Mas effective ang eye cream kung ito ay may ingredient na peptide at anti-oxidant.
• Bawasan ang pagkain ng asukal. Pinapatigas ng sugar molecules ang collagen—protina na responsable sa healthy skin. Mangungulubot ang balat kapag tumigas ang collagen.
• Gumamit ng sunscreen. Palatandaan na matindi ang sikat ng araw na masama sa ating kutis: Kapag tumayo sa ilalim ng araw, nagiging pandak ang iyong anino kumpara sa iyong real height.
• Kumain ng Brazil nuts na pinakamayaman sa selenium. Ito ang nagpoprotekta sa kutis mula sa perwisyong sinag ng araw. Ngunit kung wala, may selenium din ang cashew at sunflower seeds.
• Mananatiling shiny ang buhok na bagong kulay kung ang conditioner na gagamitin ay dadagdagan ng two drops orange at grapefruit essential oil.
- Latest