^

Punto Mo

‘Araro’ (Part 1)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Anak ako ng magsasaka. Apat kaming magkakapatid na pawang lalaki. Nakagisnan na namin ang maghapong pagtatrabaho ng aming ama sa bukid. Buong araw ay nag-aararo siya ng pagtataniman ng palay. May dalawang ektaryang lupain ang inaararo ng aking ama. Ang isang ektarya ay taniman ng palay at ang isang ektarya ay taniman ng mais at mga gulay.

Dahil namulatan na naming magkakapatid ang pagsasaka, lahat kami ay marunong mag-araro. Natatandaan ko, nasa Grade 4 pa lamang, ay marunong na akong mag-araro.

Kaya nang mag-Grade 6 ako, sanay na sanay na akong mag-araro. Ang mga kapatid kong lalaki ay marunong ding mag-araro kaya hindi na gaanong nahihirapan ang ­aming ama sa pag-aararo dahil may katulong na siya.

Nakakapagpahinga na siya dahil kami naman ang sumasabak sa pag-aararo.

Pero kahit na sanay na sanay kaming magkakapatid sa pag-aararo at iba pang gawain sa bukid, mahigpit naman ang bilin ng aming ama na huwag naming pababayaan ang pag-aaral.

Kailangan daw makapagtapos kami sa pag-aaral. Lahat kaming apat ay dapat may titulo o diploma.

Nagagalit si Itay kapag tatamad-tamad kami sa pag-aaral. Kaya raw siya nagpapakahirap magtrabaho sa bukid ay para kami mapag-aral.

(Itutuloy)

ARARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with