Maid of Honor (95)

“DIYOS ko! Kaya pala interesado sa’yo ang sindikato ay dahil sa pera,’’ sabi ni Bianca na halatang nabalisa. “Dapat talaga hindi ka lalabas ng bahay. Baka bigla ka na lang dakmain ng sindikato.’’

“Natakot nga ako Ate nang ipagtapat niya ang tungkol sa pera,’’ sabi ni Yana.

“Gaano karami ang pera, Inah?’’ tanong ni Bianca.

“Marami po Ate. Nasa black bag po.’’

“Milyong piso?’’

“Baka po bilyon, Ate. Kasi lahat daw ng kinita ng POGO at sex den.’’

“Bilyon nga yun.’’

Nang dumating si Honor, sinabi ni Bianca ang tungkol sa pera. Hindi na nagulat si Honor. Tinanong niya si Inah kung natatandaan nito ang pinagtaguan sa black bag.

“Opo Kuya. Tandang-tanda ko.’’

(Itutuloy)

Show comments