^

Punto Mo

Project employee, mareregular ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Hindi po ba ako talaga mareregular sa aking kompanya kahit limang taon na po akong project emplo­yee? Palagi po kasing may extension nang kontrata namin kaya tumagal ako ng limang taon sa kompanya ko ngayon. —Alan

Dear Alan,

Siguraduhin mo muna kung ikaw nga ba ay isang project employee sa ilalim ng Labor Code. Ayon sa Article 295, masasabing project employee ang isang empleyado kung ang kanyang employment ay para sa isang partikular na proyekto na may nakatakdang panahon kung kailan ito matatapos at makukumpleto.

Kailangan din na alam ng empleyado kung kailan matatapos ang proyektong kanyang tatrabahuhin bago pa man siya magsimula. Mahalaga ito dahil ang employment ng mga project employees ay hanggang sa panahong matapos ang proyekto o ang alin man sa mga phases o yugto nito.

Kung ikaw nga ay isa talagang project employee base sa depinisyon ng Labor Code ay hindi ka talaga magiging regular na empleyado.

Gayunpaman, may mga employer na tinatawag lang na “project employee” ang kanilang mga empleyado upang maiwasan ang kanilang regularisasyon at ang pagbibigay ng tamang benepisyo.

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Ruben Carpio v. Modair Manila Co. Ltd. (G.R. No. 239622, June 21, 2021), maaring maging regular ang status ng isang project employee kung (1) ang kanyang trabaho ay mahalaga at kailangan sa negosyo at (2) bigo ang employer na patunayan na “project-based” lamang ang employment ng empleyado.

Kaya kung ang trabaho mo ay pasok sa nabanggit na batayan at mukhang ang pauli-ulit na extension ng iyong project employment contract ay ginagawa lamang upang maiwasan ang iyong regularisasyon, may basehan ka para magreklamo for regularization upang malaman kung ano dapat ang iyong employement status ayon sa batas.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with