Kaalaman na hindi matututuhan sa paaralan

Totoo ang love at first sight.

Para hindi makadama ng hirap sa pag-aaral sa kolehiyo, kuhanin ang kurso na gustung-gusto mo.

Hindi ka kailanman mapapagod kung ang propesyon o hanapbuhay mo ay ‘yung gustung-gusto mong gawin.

Kung mas makapal at berdeng-berde ang damo sa kabilang bakod, aba, malaki rin ang tsansang maraming tae doon. Sa madamong bahagi nangi­nginain ang mga hayop, siyempre kasama na doon ang pagtae. Meaning: Huwag mainggit sa mayayaman, dahil kung ano ang dami ng kanilang negosyo at pera, ganoon din karami ang problemang dinadala nila.

Kung gusto mong malaman ang totoong impression sa iyo  ng ibang tao, pakinggan mo ang sinasabi ng iyong kaaway tungkol sa iyo.

Maghintay ng 24 hours bago manggalaiti at manugod dahil sa isang isyu. Kung lumipas ang 24 hours at lumipas na rin ang iyong galit, ibig sabihin ay walang kuwenta ang isyu.

Huwag kakanselahin ang dinner date sa pamamagitan ng text message.

Lahat ng baril ay “loaded”.

Huwag mag-pose sa litrato na may hawak na alak.

Kapag nagpakasal ka, pinakasalan mo na rin ang kanyang buong pamilya. Kaya pag-isipang mabuti bago magpakasal.

Kapag nagbibigay ng thank you speech, mas mainam na gawin itong maikli ngunit puno ng sincerity.

Kapag naimbitahang magbigay ng speech sa isang graduation ceremony, mas mainam pa rin na ito ay maikli. Lahat ng graduates ay excited sa blow-out na ibibigay sa kanila kaya gusto na nilang matapos ang programa at umuwi.

Show comments