^

Punto Mo

EDITORYAL - Itigil, deployment ng Pinay workers sa Kuwait

Pang-masa
EDITORYAL - Itigil, deployment ng Pinay workers sa Kuwait

WALA pang resulta sa imbestigasyon ng pagpatay kay Jullebee Ranara, ang Pinay household worker (HHw) na pinatay ng 16-anyos na amo sa Kuwait noong Enero 28. Mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang mangyari ang karumal-dumal na krimen pero wala pang report ukol dito. Malamang na ang pagpatay kay Ranara ay mapabilang muli sa mga kaso na hindi na ma­lulutas. At maaaring magpapatuloy pa ang pagmamaltrato, pang-aabuso at pagpatay sa mga Pinay HHWs sa Kuwait. Dapat itigil nang tuluyan o total ban ang deployment ng Pinay HHWs sa Kuwait.

Sa kasalukuyan, suspendido ang pagpapadala ng mga Pinay HHWs sa Kuwait dahil sa pagpatay kay Ranara pero maaring alisin din ito ng Department of Migrant Workers (DMW). At nakakatakot na kapag ibinalik ang deployment, may mangyari na namang mga pang-aabuso at pagpatay sa mga Pinay. Hindi mapanghahawakan ang pangako ng Kuwait government sapagkat nagkaroon na ng kasunduan noong 2019 ang Pilipinas at bansang ito na bibigyan ng proteksiyon ang OFWs pero hindi natupad at patuloy ang pagmamaltrato at pagpatay pa.

Maraming Pinay HHWs ang kasalukuyang nasa Kuwait at hindi maiaalis isipin na posibleng may dumaranas sa kanila ngayon ng pagmamaltrato. Hindi lamang sila makapagreklamo dahil natatakot. Maaring ikinukulong sila sa kuwarto. Hindi makapagsumbong dahil pati cell phone ay kinukumpiska ng amo.

Hindi si Ranara ang unang pinatay na HHWs sa Kuwait. Noong 2017, pinatay si Joanna Demafelis. Makaraang patayin, inilagay ang katawan niya sa freezer. Noong 2018, pinatay si Constancia Dayag at noong 2019, pinatay si Jeanelyn Villavende.

Ipag-utos ang total ban ng mga Pinay HHWs sa Kuwait. Huwag nang hintayin na mangyari muli ang sinapit nina Ranara, Demafelis, Dayag at Villavende. Panahon na para imulat ang mga mata sa hindi makataong ginagawa ng mga Kuwaiti sa Pinay workers.

vuukle comment

KUWAIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with