^

Punto Mo

Libreng training ng TESDA, umaarangkada!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KAKAYANIN ng bansa na punuan ang kakailanganing highly-skilled workers para sa negosyong itatayo sa Pinas matapos makakuha ng bilyones na foreign investments si President Bongbong Marcos sa kanyang mga biyahe sa abroad.

Sa taong ito, target ng Technical Education Skills and Development (TESDA) na makapag-train at ma-certify ang aabot sa 1.8 milyon na manggagawang Pinoy mula sa kanilang iba’t ibang programa. Kaya’t hindi kukulangin ang mga ito at mapupunuan ang mga trabahong kailangan ng mga itatayong negosyo matapos manawagan si BBM sa mga foreign investors na mamuhunan sa Pinas. Sa nakalipas na taon, ang TESDA ay nakapag-train ng 1.2 milyon workers. Eh di wow! Hehehe! Kaya mga kosa ko, mag-train na sa TESDA at nang palarin kayong makakuha ng trabaho sa taong ito. Dipugaaaaa!

Ayon kay TESDA deputy director general Aniceto Bertiz III ang kanilang ahensiya ay patuloy na nagde-develop ng mga bagong courses base sa National Technical Education Skills Development Plan (NTESDP) na nagsisilbing gabay para sa mga stakeholders na kinabibilangan ng academe, industries at iba pa para matulungan ang pamalahaan na makapag-generate ng mga kinakailangan skills.

“Inaantay din natin mga investors na naisasara at dito natin idedevelop ang mga skills of the future. May series of collaboration and talks din sa ibang bansa tulad ng Hungary, Korea, Japan, and Middle East countries at ASEAN para magkaroon ng mutual recognitions ng training and certifications,” ayon kay Bertiz. Ang TESDA ay may 16 regional offices, 82 provincial offices at higit 4,700 TESDA-run schools na ngayon ay naghahanda na rin sa parating ng bagong investments.

Ang TESDA ay nagtatayo rin ng innovation centers at nakikipagtulungan sa mga local government units (LGUs) para malaman ang mga in-demand skills. Nagpapatupad na rin ang TESDA ng rice extension program, foreign skills language at digitalization program. Wow bongga! San ka pa mga kosa?

Ang TESDA ay namigay rin ng Mobile Training Laboratories (MTL) sa 10 rehiyon ng bansa upang magsilbing training facilities para sa mga malalayong lugar ng Pinas. Inaasahang makakapag-produce ng 6,000 TECHvoc graduates ang MTL sa kada taon. Mula sa 1.2 million technical vocational education and training (TVET) graduates ng TESDA, halos 90 porsyento ay certified at halos parehong bilang ang nakakuha agad ng trabaho. Ayosssss di ba mga kosa?

Kabilang sa mga nabigyan ng training noong 2022 ay halos 29,000 OFWs na nagbalik sa kanilang trabaho sa abroad at kanilang mga dependents. Binigyang diin ni TESDA chief Danilo Cruz na ang mga OFWs ay isa sa mga priority clients ng TESDA skills training and livelihood programs. Bukod dito, mahigit 84,000 OFWs at kanilang dependents ang nagpalista sa TESDA Online Program (TOP).

Ang TESDA ay nakikipag-partner rin sa iba’t ibang industries tulad ng information and technology at construction sa pagdevelop ng mga bagong courses na binibigay ng libre sa sino mang Pinoy na nagnanais na mag-aral ng techvoc courses. Aba libre naman pala at magiging certified skilled worker ka pa. Kaya huwag ng magdalawang isip o mag-antay pa, mag-enrol na kayo sa TESDA. Abangan..

vuukle comment

TESDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with