Multa sa single ticketing system, alamin!  

Inilabas na nga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga karampatang multa sa mga traffic violations sa ilalim ng single ticketing system.

Ito ang standardized at uniformed na multa na napagkasunduan ng Metro Manila mayors na maipatupad.

Dapat itong alamin ng isang motorista, dahil baka mabigla sila sa multa sakaling masita sila sa iba’t ibang paglabag.

Uunahan na natin ang mga pasaway sa helmet, sakaling tuluyan nang ipatupad ang single ticketing system, aba’y isip-isip dahil isa ang masisita sa hindi pagsusuot ng motorcycle helmet sa paglabag na may mataas na multa na aabot sa P10,000 kumporme kung ilang beses nang nasita.

Aabot din sa P10,000 ang multa sa ikatlong paglabag sa Children’s Safety on Motorcycles Act.

Yan yung mga mahilig magsakay ng mga  paslit, eh mas lalo na yung may sakay na mga sanggol.

Medyo mataas ang ang multa, pero inaasahang makakatulong ito para maging disiplinado ang mga motorista dahil nga sa mataas na fines.

Nagsisimula sa P500 na aabot hanggang P10,000 ang mga inilaang fines kumporme sa kung ano ang nilabag at ilang ulit itong nagawa.

Ang mga mahuhuli sa paglabag ay kailangang magbayad ng multa sa loob ng sampung araw matapos silang maaresto. Sakaling makabayad sa anumang paglabag, mawawala na agad ito sa rekord.

Tiwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang naaprubahang NCR traffic code ay magbabawas sa human interventions na lalaban din sa korapsyon sa pamamagitan ng iinvest na teknolohiya na siyang huhuli sa paglabag ng mga motorista.

Kabilang nga dito ang pag-aarmas sa mga traffic enforcers ng body-camera na siyang magdedetalye sa mga panghuhuli.

Sa Abril inaasahang masisimulan ang pagpapatupad ng single ticketing system.

Positibo naman ang marami na magiging maayos ang pagpapatupad nito para kung hindi man tuluyang masawata, eh mabawasan ang ‘kotong

sa lansangan sa panig ng traffic enforcers at mga ‘pasaway’ sa panig naman ng mga motorista.

Show comments