^

Punto Mo

EDITORYAL - Karahasan sa mga paaralan ­bigyang-pansin ng DepEd

Pang-masa
EDITORYAL - Karahasan sa mga paaralan ­bigyang-pansin ng DepEd

MATAPOS ibalik ang face-to-face classes noong Nobyembre 2022, nagkasunud-sunod ang mga nangyaring karahasan sa paaralan. Malagim ang bunga ng karahasan sapagkat may mga namatay na estudyante. Maraming magulang ang nangangamba sa sunud-sunod na karahasan. Naiulat din ang naita­lang pagsu-suicide ng 404 na estudyante sa public school noong 2021 sa panahon ng pandemya.

Ang mga pangyayaring ito ay nararapat bigyang pansin ng Department of Education (DepEd). Nararapat gumawa nang mga mahuhusay na hakbang upang hindi na maulit ang mga karahasan at pagpapakamatay na naiuugnay sa mental health problem ng mga estudyante.

Nakakagimbal ang nangyari sa Culiat High School sa Quezon City kung saan sinaksak ng 13-anyos na estudyante ang kanyang kaklaseng lalaki na ikinamatay nito. Ayon sa report, mismong sa classroom nangyari ang pananaksak. Matagal na umanong may alitan ang suspect at biktima.

Nakapagtataka lang kung paano naipasok ng suspect ang patalim. Nagkaroon ng kaluwagan sa seguridad sa nasabing eskuwelahan kaya nangyari ang krimen. Kung mayroon sanang nag-iinspeksiyon sa mga gamit ng estudyante, maaring naiwasan ang malagim na pagpatay.

Makaraan ang insidenteng iyon, isang  12-anyos na estudyanteng lalaki naman sa San Jose del Monte, Bulacan ang aksidenteng nabaril ang sarili sa comfort room ng school gamit ang baril ng kanyang amang pulis. Habang nasa CR, kinalabit ng bata ang gatilyo ng baril at sa kanya tumama ang bala. Patay ang bata.

Hindi rin malaman kung paano naipasok sa school ang baril. Nagkarooon din ng kapabayaan sapagkat hindi na nainspeksiyon ang mga bag o backpack ng estudyante. Nahaharap naman sa kaso ang amang pulis sapagkat hindi niya iningatan ang kanyang service firearm.

Agad namang ipinahayag ng DepEd na magsasagawa sila ng programa para sa mental health ng mga estudyante at ganundin sa seguridad ng mga ito. Kukuha umano ang DepEd ng mental health experts para bumalangkas ng programa. Ang mga karahasan daw ay may kinalaman sa isyu ng mental health. Ipinag-utos umano ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte sa kanyang regional directors na makipag-ugnayan sa mga authorities para matukoy ang mga school na kailangan nang matinding security check sa mga estudyante.

Isakatuparan ng DepEd ang mga programang ito sa lalong madaling panahon upang maagapan ang mga hindi magandang nangyayari sa mga estudyante kaugnay sa kanilang mental health.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with